Enigma XXVI

1.4K 59 12
                                    


Enigma XXVI:

Kenzie's POV

Everything's okay starting to change. All good and happy days is starting to get chaotic.

My almost perfect life before is now a mess.

My almost perfect life is changing.

And now our mind is blinded by all questions.

Kailan ba ito matatapos?

I know that...

All questions can be answered.

Pero kailan?... At saan?

"Mackenzie" agad akong napalingon kay Grae nang magsalita siya, dahilan din ito para mawala ako sa mga iniisip ko.

"Bakit?"

"What are you thinking? Mukhang masyadong malalim." Sabi nito at uminom sa glass of orange juice na nakapatong sa lamesa.

Nag buntong-hininga naman ako saka nilingon ang ganda ng view mula dito sa balcony na kinaroroonan namin. "Ang mga pagbabago."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, pero hindi naman siya nag salita para tanungin ako.

Sandali pang namutawi ang katahimikan saamin ni Grae nang biglang sumulpot si Abby na nakangiti at nagsalita. "Mackenzie, Sir Wilton is here" agad akong napatayo nang sinabi iyon ni Abby.

"Si Papa?" Tanong ko.

Linggo na din ang lumipas ng huling bisita dito ni Papa, sabi niya bibisita siya ulit kung may pagkakataon.

"Nasa living room. May kasamang pogi!" Sabi nito at nakahawak pa sa pisngi na parang kinikilig.

Kumunot pa ang noo ko sakanya sandali pero hindi ko na siya pinansin dahil nagmamadali na akong pumunta ng living room sa first floor.

"Pa!" Salubong ko kay Papa na naka-upo sa couch pagkababa ko.

Lumapit naman ako sakanya at niyakap siya, niyakap niya naman ako pabalik saka nginitian. "It's been a week, Hija." Sabi nito saka tumawa ng mahina.

Nginitian ko din naman siya "Mahirap ba makaalis ng Academy?" Tanong ko.

Ngumisi lang siya saakin saka umiling "Hindi naman."

Yabang.

Aasarin ko pa sana si Papa dahil sa kayabangan niya ng matigilan ako dahil may nagsalita sa likod ko.

"Via"

Isa lang ang tumatawag saakin niyan.

Agad akong napalingon ng pumasok sa isip ko na baka nandito siya.

"Cali?" Gulat na nasambit ko nang makita siya sa likod ko pagka-lingon. "A-Andito ka?" Tanong ko habang nanginginig ang boses.

Ngumiti naman siya ng tipid bago mas lalong lumapit saakin. Nilingon ko pa si Papa na ngayon ay nakangisi parin.

"Sumama, mapilit" simpleng sabi pa ni Wilton kaya napalingon nanaman ako kay Cali na ngayon ay titig na saakin.

"Sumama ka dito? Hindi ba delikado?" Tanong ko sakanya ng medyo kumalma na ako.

"No" sabi nito saka mas lumapit pa saakin saka niyakap ako.

Mas lalo pa akong nagulat dahil sa ginawa niya, napatingin pa ako kay Papa na nakanguso ngayon pero naging seryoso din ang tingin.

Bahagya pang hinalikan ni Cali ang sintindo ko bago niya ako binitawan at tinignan muli gamit ang mapupungay niyang mga mata. "Are you okay here? I am sorry, we let you kidnapped by your cousin."

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now