Enigma XI

1.8K 71 24
                                    


-This chapter is dedicated to Cesamy Joy Ignacio

Enigma XI:

Xenn's POV

Badtrip! Moment ko na dapat iyon kaso na agaw nila Lavi yung atensyon niya, aamin na dapat ako sa kanya, pero postponed muna hihihihi.

Kakatapos lang ng party at pabalik na kami ngayon sa dorm, sinermonan pa kami ng mga officers lalo na yung tatay ni Cali dahil sa kaguluhan kanina na ginawa namin--nila pala, parang siya nga yung Presidente eh, si Mr. President kase kanina tawa lang nang tawa, may sapak ata sa ulo 'yon, buti hindi nag mana sa kanya si Kenzie?

Si Kenzie kasi hindi pala tawa, eh kanina ko nga lang iyon nakitang tumawa! Pinaglihi ba 'yon sa sama ng loob?!

Nang makarating kami sa dorm ay halos walang kibuan ang lahat, Lalo na sila Kenzie at Cali, Brie at Lavi, pati yung si Zek at Hera.

Sarap nilang pag babatuhin ng mga bote dahil ang awkward ng paligid dahil sa kanila! Kingina 'tong mga ito, mag la-love life tas pag nag away hindi nag papansinan.

Sila Brie at Lavi nga wala pang label pero may lq na!

Iiling-iling nalang ako habang natigil kami sa paglalakad dito sa living room nakababa lang ang tingin nung iba at kami naman ay taas kilay lang na pinapanood sila.

Etong Lavi at Cali panay ang titig doon sa dalawang iniiwasan ang paningin nila samantalang iyong si Zek naman ay kakamot-kamot ulong hindi maka tingin kay Hera.

Isa pa 'yang si Zek ha! Mag seselos ang kingina sa kuya pa ng type niya! Inaway pa pfft.

"Ano, tatahimik nalang tayo dito?" Walang emosyon na sambit ni tandang Kidd roon sa tatlong lalake.

Yung kay Zek at Lavi, alam ko rason kung bakit nanahimik sila, itong kay Cali, ewan ko lang, may pinoproblema din ata o trip niya ring sumabay?

"What's the problem with you four?" Tanong pa ni tandang Kidd kanila Zek at Hera, Lavi at Brie. Kung maka asta din ang isang ito parang siya ang leader, matured kase mag-isip kaya siya lagi nakaka-intindi at kung may nag-aaway siya ang gumagawa ng paraan para mag bati, siya din pinaka matanda sa aming sampo kaya tinatawag ko siyang 'tanda' o di kaya 'tatang'.

Lumipas pa ang ilang segundo nang walang sumasagot kaya binalingan na ni Kidd si Cali ng atensyon. "Cali, give me an order to put this four in Enigma Jail just for tonight." Nang dahil doon ay na ibigay na nila ang atensyon kay Kidd.

Lumingon sa kanya si Cali at nag kibit balikat. "Do want you want." Pag-aapruba ni Cali sa gusto ni Kidd kaya halos manlaki na ang mata ng apat.

"Why me?! Wag niyo ko isali assholes." Nanlalaki ang mata ni Brie at halos ikatawa iyon ni Lavi kaya nilingon siya ni Brie nang matatalim ang tingin.

"Finally, tinignan mo na rin ako." Sabi nito nang naka-ngisi na inirapan ni Brie

"Hala! Kasali po ako? Wala naman po akong kasalanan, eh." Sambit din ni Hera na kinakagat na ang daliri, mukhang kinakabahan na.

"Teka walang ganunan! Diba best buddies Tayo?!" Kakamot-kamot naman sa ulo na sabi ni Zek.

"Ulol" sagot ni Kidd.

"Dumbass" Sabi din ni Cali na ikinatawa ko!

"HAHAHHAHA!" Malakas kong tawa kaya nilingon ako ni Zek nang nakataas ang kilay.

"Tinatawa-tawa mo riyan?" Tanong sa akin ni Zek at napa-ngisi ako, gusto ko siyang asarin kaya nilingon ko si Hera.

"Hera babe!" Tawag ko sa kanya at lumapit pa rito para akbayan siya, kinunotan naman ako ng noo ni Zek. "Wag ka kabahan kay tatang! Hindi ka ikukulong niyan! Tapos pag kinulong ka naman sasamahan kita, ehe!" Sabi ko at nginisihan si Zek at nilingon nanaman si Hera na taka ding naka tingin saakin "Basta sasagutin mo ako kapag niligawan kita, ha!"

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now