Enigma I

3.1K 93 2
                                    


Enigma I:

Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa aking balat.

Bumangon ako sa pagkakahiga at bahagya pang kinusot-kusot ang mga mata. Tumingin ako sa kabuuan ng kuwarto at inaasahan na si Felice ang unang bubungad sa akin pero agad ring na disappoint nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Vivi na naka suot ng school uniform.

Oo nga pala, umalis na ako kahapon, at paniguradong nasa loob na ako ngayon ng isa sa mga dormitoryo dito sa Enigma Academy.

"Good morning, Mackenzie." Bati sa akin ni Vivi habang naka ngiti. "Dumating na itong uniform mo, saan ko ilalapag?" Muling sambit pa nito.

Tinignan ko ang uniform na hawak ni Vivi. "Dito na lang" Sabi ko, itinuturo ang tabi ko.

Agad naman siyang tumango at inilapag ang school uniform sa tabi ko.

"Nasa Enigma Academy na ba tayo?" Tanong ko sa kaniya na nag aayos sa school uniform na nasa tabi ko.

Nag-angat ng tingin sa akin si Vivi bago muling tumango sa akin. "Oo, hindi mo nakita ang Academy kagabi nang makarating tayo rito dahil malalim pa ang tulog mo. Kaya ipinabuhat ka na lang namin kay Kidd papunta rito sa dorm natin." Ako naman ang napa tango-tango sa sinabi niya. Siguro ay nasa second or third floor lang naman itong dorm namin kaya siguro hindi nahirapan si Kidd. "6:00am na Kenzie, maligo ka na saka magbihis... Para makakain kana bago tayo umalis para um-attend ng klase."

"Okay," sagot ko at pinanood siyang lumabas ng kuwarto.

Ang tagal ko din palang natulog, siguro dahil sa pagod?

Nang makalabas na siya ng kuwarto ay nilingon ko ang bintana sa kaliwang banda ko, lumitaw na ang sinag ng araw, at medyo nakakapaso na ito.

Muli ko pang inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kuwarto. Kulay puti, itim at gray ang kulay ng dingding. Napaka lawak din nito at mukhang kasya pa ang limang king-sized bed. May mga gamit na rin dito tulad ng mga malalaking aparador, bookshelves at study table. May nakita pa akong dalawang pinto na nasa gilid ng kuwarto. Tumayo ako para makita ko kung para saan 'yon, ang isa ay banyo at ang isa naman ay bodega, malinis na bodega.

Muli akong nag buntong hininga bago dumeretso sa banyo ng kuwarto, andito na ako, dito na ako mag-aaral, at tatagal ako rito ng mahigit isang taon. Wala nang atrasan 'to.

Pumasok ako ng banyo at naligo doon. Pag katapos ay isinuot ang school uniform na ibinigay sa akin ni Vivi.

Hindi nag tagal ay namalayan ko na lang na nasa harapan ako ngayon ng salamin, pinapasadahan ang sarili, suot ang bago kong uniform.

Aaminin ko na mas maganda ang uniform na suot ko ngayon kumpara sa uniform sa dating kong school. Kulay Gray ang Vest nito at sa ilalim ng vest ay isang puting blouse na long sleeve, mayroon ding itinataling kulay dark blue na laso sa bandang leeg ng uniporme, mayroon pang ikinakabit na gold school crest sa bandang kaliwa ng uniform. At sa pang ibaba naman, ay maikling skirt na kulay Dark blue na may plaid pattern ng Gray. At ang panghuli ang puti na knee socks at itim na school shoes na may 3 inches heels.

Mabilisan kong sinuklay ang mahabang buhok ko, dark gray ang kulay nito, at kulot sa bandang dulo ng buhok.

Pag katapos kong magsuklay ay kinuha ko ang school bag ko na mayroon ng laman na bagong school supplies, ibinigay rin ito ni Vivi sa akin habang naliligo ako. Isinabit ko ito sa magkabilang balikat ko saka isinuot ang wrist watch ko. Isang beses pa akong tumingin sa salamin bago napag pasyahang lumabas na ng kuwarto.

At nang pag labas ko ng kuwarto ay isang mahabang hallway ang sumalubong sa akin. Medyo madilim dito pero kita kong pinag gigitnaan ng sampung pinto ang hallway na kinatatayuan ko. Ito siguro ang mga kuwarto.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now