Enigma XVI

1.6K 70 1
                                    


Enigma XVI:

Kenzie's POV

It's a murder. How could a woman who've been through into an accident can do hang herself in ceiling?

Kahit naman kung ako ang pilay ay hindi makaka-akyat sa ano mang patungan, maliban nalang kung may saklay, pero sa case na ito, ang saklay ay nakita ni Zek na malayo sa katawan ng biktima. Hindi puwedeng ibinato iyon, dahil ayon kay Zek, maayos iyon nang natagpuan niya na naka-sandal sa ding-ding.

Isa pang nag papatunay na murder nga ang kaso na ito, dahil sa magulong kuwarto, halatang may nanlaban.

Napatigil pa kami sa pag-iisip ng biglang dumating si Zy at nilapitan kami. "Naka-kuha ako ng copy sa CCTV cameras malapit dito" sabi niya at inilapag ang laptop sa mesa di kalayuan. Nilapitan namin siya. "As I review the CCTV cameras, may nakita akong tatlo na mag-kakasunod na pumasok dito sa hotel room. Ang dahilan ay hindi ko pa alam." Agad minapula ni Zy ang laptop at ipinakita saamin ang copy ng CCTV.

"It's a murder" sinagot siya ni Kidd.

Nilingon siya ni Zy "Oh?" Tanong nito na parang hindi na nagulat.

Muli naming ibinalik ang tingin sa laptop nang may nakita kaming taong naglalakad doon palapit sa hotel room na ito.

Kuha ito sa CCTV sa hallway, kita ang likod nang babaeng staff ng hotel na may hawak na tuwalya. Naglalakad palapit sa kuwartong kinaroroonan namin ngayon, naka-uniform pa ito ng hotel at naka low bun ang buhok.

"That girl named Maria Oliveros, nag tatrabaho siya dito sa hotel as a receptionist. Pumasok siya dito sa room 402 at exactly 1:30 in the afternoon, lumabas naman siya after 2 minutes na wala nang dala na tuwalya" sambit ni Zy at nakinig naman kami sakanya.

"At lumipas ang mahigit sampung minuto" ani pa nito at ini-fast forward ang video at inilagay ito sa oras na 1:43 "sumunod naman na pumasok ay si Victor Hernandez, chef siya dito at kaibigan siya ni Rhealee Santiago" tumango kami nang makita nga sa screen ng laptop ni Zy ang chef na tinutukoy niya, may dala itong tray at sa tray na iyon naka lagay ang mga pagkain.

Tinignan ko ang coffee table di kalayuan saamin, nandoon pa din ang tray at ang mga pag kain ay nagkalat sa mesa at ang iba ay nasa sahig na.

"1:43 pumasok si Victor sa hotel room ng biktima at lumabas siya ng 1:46" at nang makalabas ang chef ay siyang pag litaw naman ng isang babae sa hallway. Naka red dress ito at may suot pang shades, may dala din siyang designer bag, at papunta siya sa kuwarto ng biktima. "That is Aiza Conor, Model din at kaibigan siya ng biktima, sabi ng isang babae din sa reception ay pumunta siya dito para bisitahin ang kaibigan" pumasok ang kaibigang Modelo ng 1:46 at lumabas ng 2:08.

Nang lumabas paalis na ang kaibigan ng biktima ay may saglit pang sumilip sa CCTV pero hindi na namin nalaman kung ano iyon dahil doon na naputol ang kopya ng CCTV.

"Iyon lang ang nakuha ko, at sigurado ako na isa sakanila ang suspect" paliwanag ni Zy bago naisipang patayin na ang laptop.

Napa-ayos naman kami ng tayo ng matapos makita ang kuha ng CCTV.

"Vivi, Kidd. Send those three here, as of now they are the main suspects. Investigate them and find out what they did to the victim's hotel room and where they were during the crime" utos ni Cali sa dalawa at sinunod nila iyon "Brie, go with them. Inform us if you sense someone is lying" tumango naman si Brie at sumunod din.

Si Zi naman ay inasikaso ang background ng three main suspects namin ngayon at inalam kung sino ang may naka-alitan sakanila ng biktima.

Samantalang kami namang mga natira ay bumalik sa paghahanap ng puwedeng mag turo sa salarin.

Enigma AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon