Kabanata V - A Kiss in Return

3.9K 109 19
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"  


Kalahating oras ang lumipas nang nakabalik ako sa kwarto ni Zac dala ang tray ng arrozcaldo, isang basong tubig at ilang tablet ng gamot. Naabutan ko siyang nakapikit ang mga mata, kung ano siya nang iniwan ko ay ganoon din siya pagbalik ko.

Ibig sabihin, hindi niya pinalitan ang suot-suot niyang damit.

Inirolyo ko muna ang aking mga mata bago lumapit sa kanya at inilapag sa night stand ang tray. Dinampot ko ang t-shirt at short na nalaglag na sa kama. Balot na balot siya ng kumot at parang bolang nakahiga. Nakakahinga pa kaya siya sa lagay na 'yan?

"Yzaack Kevin," tawag ko habang tinatapik-tapik siya sa likod ng kanyang balikat. "Isaak." Hindi siya sumagot bagkus ay mas lalo pang iniayos ang pagkakatalukbong ng kumot na para bang lamig na lamig ito. "Zac, you need to eat this nang mainitan ka." Hindi pa rin siya nakinig at nanatili lang sa kanyang posisyon.

Tuluyan na kong umakyat sa kama't tumabi sa kanya at sapilitang inalis ang pagkakatalukbong niya. Nang tuluyan ko itong maalis ay kitang-kita ko ang ang namumuong pawis niya sa noo ngunit halatang binabalewala lamang niya.

"Magpapakamatay ka ba talaga?!" Hinampas ko siya nang malakas sa braso, narinig ko ang mahina niyang pag-ungol. Pinapakulo talaga ng lalaking 'to ang dugo ko, eh! "O baka balak mo talaga kong patayin sa pag-aalala?!" dugtong ko pa, bahagyang umalon ang boses ko dahil muli na naman akong naluluha. Naawa kasi ako sa kalagayan niya at the same time naiinis na talaga dahil sa pag-aalala at katigasan ng ulo niya.

Should I blame Eva and her sprinkler for this? No, kasalanan niya pa rin ng gunggong na 'to. Ginusto niya 'yong mangyari, eh! Ginusto niyang magpabasa sa artificial rain ni Eva.

"Magbihis ka na nga! Pambihira ka!" Hinagis ko sa kanya ang damit na kinuha ko para sa kanya. Kumilos naman siya at kinapa ang damit sa kanyang mukha, napakabagal ng galaw nito, bahagya pang nanginginig ang mga daliri niya kung kaya't sa bandang huli ay hinablot ko na lamang sa kanya ang damit.

"Give me that," mabagal niyang sambit dahil sa panghihina.

"Let me." Sinimulan ko ng hubarin ang suot niyang t-shirt. Salamat sa Diyos dahil siya't nakapikit kaya hindi niya nakita ang pagsinghap ko ngunit maaring narinig niya. Basang-basa ang damit niya dahil sa natuyong pawis. "Mas lalo kang magkakasakit sa ginagawa mo, eh!" Iritableng singhal ko sa habang pinupunasan ang pawis niya sa mukha at leeg at...ahem katawan at biceps niya.

Saglit akong napahinto at nag-isip. May sakit na nga sinisigawan ko pa. May sakit na nga pinagagalitan ko pa. Hindi ko naman kasi maiwasan, masiyado kasi siyang pabaya sa kalusugan niya.

"Kaya mo bang umupo?" marahan siyang tumango bilang sagot. Iniayos ko ang unan sa headboard ng kama at doon ay inalalayan siyang makasandal. Grabe ang init ng katawan nito, para bang nagliliyab.

Siguro kung pinapasok ko siya noong hinabol niya ko sa bahay dahil sa 'di niya pagsipot sa 3rd year anniversary namin ay hindi siya lalagnatin ng ganito kataas. Sa puntong 'to ay di ko maiwasang makaramdam ng pagka-guilty. Nang makasigurong nakasandal na siya nang maayos ay hindi ko maiwasang gawaran siya ng halik sa noo.

"Poor Zac," mahina kong sambit bago isinuot sa kanya ang malinis na t-shirt. Napahinto ako bigla at napalunok nang bumaba na sa pantalon ang mga palad ko. Bumaba ang tingin ko sa faded jeans na hawak ko.

Ibaba o hindi? Ibaba o hindi? Ibaba o hindi? Titingin o titig? Shet! Pero syempre due to insistent readers demand ay hindi ko tinuloy. Tinabunan ko ng kumot ang legs niya pataas sa kanyang dibdib.

Marry Me, MaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora