Chapter 7

7.7K 173 6
                                    

"Mary, tapos na ba kayong mag-usap?" tanong ni Ninang na may malawak na ngiti. Nagniningning ang mga mata.
Bakas sa kanya ang pagkatuwa sa muli naming pagkikita. Wala siyang kaalam-alam na may tensyong namamagitan sa ‘ming dalawa ng kumag niyang anak. Sasagotna sana ako nang may maramdaman akong humawak sa magkabilang balikat ko. Pagtingin ko sa likod si Zac pala. Biglang nanghina at bahagyang nangatog ang tuhod ko.

"Yes,‘Ma tapos na po.” Siya na ang sumagot para sa ‘kin. “Ihahatid ko na po siya sa guest room," presinta niya.

"That’s great.” His mother clapped twice approvingly.“Asikasuhin mo ng maayos ang kinakapatid mo ah? Baka asar-asarin mo na naman! Naku, matatanda na kayo para diyan." Pinanlakihan ni Ninang ng mata ang anak niya. Tinawanan lang siya ni Zac.Kung alam n’yo lang Ninang.

"Yes'Ma. Aalis kayo ni Papa diba?"

"Oh yes. Sasaglit lang kami sa grocery," pagbibigay-alam ni Ninang.

"Sige po. Alis ka na, ‘Ma." Napalingon ako kay Zac.

Ano’ng problema nito?

"Pinapaalis mo na talaga ako?"nagtatakang tanong ni Ninang.

"Worried lang naman po ako kay Papa. Baka naiinip na ‘yon sa labas kakahintay sa’yo," katwiran niya.

"Ahh sabagay.Sige Mary, alis na kami," paalam ni Ninang sa’kin.

"Sige po, Ninang. Ingat po," nakangiting sabi ko kay Ninang. Maski ang pagngiti ko nangangatog. Nasa magkabilang balikat ko pa rin kasi ang maiinit na palad ni Zac.

"Bye ‘Ma. Please pakitalagalan."

"You said what?”nakakunot-noo na ng tanong ni Ninang.

"Sabi ko, mag-ingat po kayo ni Papa,” palusot niya.

Naiiling na ngumiti na lang si Ninang.Tuluyan na siyang umalis. Gusto ko mang tumawa dahil sa pamamaraan ng pakikipag-usap nito sa Mama niya pero… ayoko! Kasi naman eh! Hangaang ngayon hawak-hawak pa rin niya ang balikat ko.

"Tara na sa kwarto." Hinila na niya ko papuntang hagdan.

"A-ano'ng kwarto?" utal kong sabi at agad na kumalas sa pagkakahawak niya.

"Sa guest room mo! Aha!” Kinurot niya ang isang pisngi ko.“Green-minded!" Nagsimula na naman siyang mang-asar. Naglalaro ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

"Uyy! Hindi ah!" Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Ugh! Nakakahiya! Pinagtawananniya ko sabay gulo ng buhok ko.“Ahh! Anoba ‘yan?!"reklamo ko habang pilit na inaalis ang mapanira niyang kamay sa buhok ko.

“Come here.” Hinila niya ang braso ko. Sunod ko na lang namalayan na nasa bisig na niya ko at mahigpit na niyakap. Oh God! I smelled heaven here. I inhaled his scent causing my eyes to drop close. Inspite of his rudeness, I admit that I miss this man so, so, so, much.

“Ahh…my midget lady.” He breathed. “I miss you this close to me.” Kumalas siya sa pagkakayakap sa ‘kin. Gumapang ang palad niya sa magkabilang pisngi ko. One thing I realized, I miss him this close to me, too. “You have the softest cheek.”
Suddenly I remember the exact day when he said those precise words to me. Ang araw na kung saan binato niya ang cellphone ko kaya ako napaiyak dahil nagselos siya sa crush ko na ka-text ko. Teka nga. Selos? Ang ilusyonada naman ng thoughts ko.

“I mean, you have the softest blushing cheek.” He smirked at me playfully.
Marahas kong inalis ang kamay niya sa pisngi ko at inirapan siya. Gunggong talaga ‘to. Pinagtitripan na naman ako.

"Tara na nga," sabi niya at pinagpatuloy ang pagpanhik sa hagdan.

Pag-akyat namin, lumiko kami pakanan, sampung hakbang padiretso, sabay liko pakaliwa, umikot kami ng tatlong beses na parang isang ballet dancer, limang hakbang pa ang nasagawa bago kami nakapasok sa isang lagusan na nagngangalang, Far, Far, Away. Ito ang kwarto na hindi ko pa napapasukan. Lagi siyang naka-lock noong nagbabakasyon pa ako dito.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now