Kabanata XVI - Engagement Party

1.8K 78 9
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"    

"Come on, Mary," puno nang pagpapasensyang sabi ni Zac at muli akong tinangkang hilain palabas ng kotse, nagpumiglas lamang ako at eksaheradang sumimangot. "Seriously, what do you want me to do?"

"Let me wear my heels!" napipikon kong singhal sa kanya.

"I am abiding your rules, Mary! You must do it in return. You started it, anyway." nakahalukipkip niyang banggit.

"I hate you," bulong ko.

"Come on, you're cute," papuri niya na ikinangiwi ko lamang.

Hinagis ko sa kanya ang unang bagay na nakuha ko sa dashboard ng kotse niya.

"Do you think complimenting me cute pacifies me?" napahawak ako sa'king sentido, sa sobrang inis ay parang gustong maglabasan ng ugat ko at pumalupot sa leeg niya nang mahigpit hangga't sa hindi na siya makahinga.

Binalik muna niya ang bagay na hinagis ko sa kanya sa loob bago muling magsalita.

"Wala namang height limit sa engagement party ni Henrie, papasukin ka pa rin naman, ah!" humalukipkip lang ako bilang tugon. "Mary, the couple's waiting for us," mahinahong paliwanag niya. Hindi ako tumugon. "Fine, mauuna na ko. Sumunod ka na lang," tahimik niyang sinarado ang pinto ng kotse at naglakad na palayo.

Binuka ko ang aking bibig para tawagin siya ngunit tinikom ko na lamang, dire-diretso siyang naglakad, ni hindi man lang lumingon sa'kin. Ang loko! Iniwan ako! Ayts! Puno nang kalumbayan ko munang tinitigan ang bagong flat shoes na binili niya para sa'kin. Duh, it's all shades of pink! Tss.

Bata na nga ang height, pati sapatos ko pambata rin!

Madali kong binuksan ang kotse at sinarado 'yon, nang tinignan ko ang direksyong nilakaran ni Zac ay wala na siya. Mabilis akong naglakad at lumingon-lingon para hanapin ang bulto niya ngunit hindi ko na siya makita. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang, kung hindi niyo kasi naitatanong napaka-out of place ng kulay ng sapatos ko sa suot kong damit. Parang gusto ko ng sumabog dahil sa kalokohan ng lalaking 'yon!

Lakas-loob akong naglakad papuntang entrance ng event, hindi pa man ako nakakaabot ay may isang lalaki at babae na nauna sa'kin papunta roon, may dalawang sumunod pa, apat hanggang anim. Pinukulan ko sila isa-isa ng tingin, lalo na ang mga babae partikular na ang suot-suot nilang heels. Grabe, tumangkad lang sila lalo.

Literal na nanliliit ang status ko ngayong gabi.

Nang makaalis na sila sa harapan ko ay naglakad na 'kong papuntang receptionist, ibibigay ko na sana ang invitation card nang maalala ko na hawak nga pala 'yon ni Zac! Ang epik namaaaaan~!

"Here," nilingon ko ang lalaking nagsalita at humawak ng kamay ko. Sinamaan ko lamang siya ng tingin nang nginitian niya ko nang nakakaloko. "Smile now, my lady," bulong niya sa'kin, hindi ko sana gagawin ngunit agad kong nasilayan si Henrie at ang babaeng kasama niya na nakangiti sa direksyon namin.

Sa sobrang pagka-conscious ay dumako ang tingin ko sa paanan niya, dinadalangin na sana'y naka-flats din siya, ngunit ako'y bigo. Waahh! Gusto ko na talagang balatan ng buhay si Zac!

"Zac, you made it!" Bungad na bati ni Henrie, "Where's Mary?" Tanong niya, tumingin-tingin pa siya sa likod ni Zac, umaaktong hinahanap ako, eh, alam at kita naman niyang nasa harap lang ako! Ang ngiti na naka-plaster sa labi ko ay nawala. Hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay ni Zac, lihim na nagbabanta sa kanya.

"Henrie," nagbabanta ring saway ni Baya, puno ng paumanhin siyang ngumiti sa'kin. Hindi ko naman napigilang nginitian din siya, mahirap na hindi dahil ang ganda ng ngiti niya.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now