Chapter 5

5.7K 158 12
                                    

Dilat ng mata. Unat, unat, tingin sa bintana. Agad akong napabangon. Gabi na! Napahaba ‘ata ako ng tulog ko. Hapon na kami nakauwi ng bahay kasi sila Adan at Eva nagpumilit pang pumunta ng Quantum at Worlds of Fun, malamang para maglaro. Pumayag naman sila Mama't Papa dahil wala naman silang pasok sa office. Sunday kasi ngayon. Dali kong hinanap ang cellphone ko.

"48 missed calls and 24 messages received," basa ko sa cellphone screen at lahat ay nanggaling kay Zac!
Naku lagot! Naalala ko ang bilin niya sa ‘kin. Ayaw niyang pinaghihintay siya. Umalingawngaw ang cellphone ko. Siya ang caller. Agad kong sinagot ang tawag niya.

"H-hello?" kinakabahang bati ko.

"Bakit ngayon mo lang sinagot?" tanong niya sa malamig na boses.

"Eh kasi…” Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabhihin ko. “Nakatulog ako, at kagigising ko pa lang…” Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Parang na-relieved naman siya sa sagot ko.

"Akala ko naman may kasama ka ng ibang lalaki."

Ibang lalaki?!Wala pa ko sa stage na ganyan 'no!Pinag-iisip ng lalaking ‘to?

"Si Papa lang naman ang kasama kong lalaki dito sa bahay." Nirolyo ko ang mata ko.

"That’s great,” he said in delight.

“Kamusta ka naman diyan?” Pago-open ko ng may sense na topic.

“Nakakapanibago. Wala kasi akong payatot at pandak na nakikita eh.” I heard him chuckled. “You?”

“Nakakapanibago. Wala kasing talipandas at gunggong na nang-aasar sa ‘kin eh.” Ako naman ang bumungisngis.

“So, you miss me?” Kahit hindi ko siya nakikita alam kong naka-plaster ang malisyosong ngiti sa labi niya.

“Miss? Ilang oras palang tayo nagkakalayo, ‘no.” Napatawa na lang ako ng alanganin. Ang sinungaling ko naman. Oo, miss na miss na kita.

“Missing me is normal, Mary.” Bumalik na naman ang malamig na boses niya. Alam ko naman na normal ang mangulila pero asa siyang sasabihin kong nami-miss ko na siya. For I know, doon siya huhugot ng ipang-aasar sa’kin.

“Ewan ko sa’yo, Isaak. ‘Asan na sila Ninong at Ninang?” Sinagot naman niya agad ang tanong ko at ayon na nga, dire-diretso na ang usapan.As usual humantong na naman kami sa asaran. Hindi pa sana kami hihinto kung hindi kumatok si Mama para sabihang kumain na ako. Ako na lang pala ang hindi kumakain!

"Uy, kailangan ko ng magba-bye.Kakain na ako," sabi ko sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng panghihinayang.

"Aww, sure. Bye. Good night, MaryChristmas. Huwag kumain ng buto-buto ah? Mandiri ka, kalahi mo ‘yon," natatawa niyang sabi. Kumunot na naman ang noo.

"Tse! Diyan ka na nga! Bye," natatawang sabi ko at tuluyan ng in-end ang tawag.

Dala ko pa rin ang cellphone ko nang bumaba ako sa kusina at kumain na. Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom. Tiningnan ko ang orasan. Hindi pa naman ako lipas sa pagkain. Alas-otso pa lang ng gabi.

Tumunog ang cellphone ko, may nag-text.

Isaak Kebin: Your voice is like your cheeks. Soft. Your voice is like your eyes. Adorable.

Nanlaki ang mata ko sa text niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na kayang ikaila. Kinikilig ako ng sobra, sobra, sobra!

Tumunog muli ang cellphone ko. Nag-text na naman siya.

Isaak Kebin: Kinilig ka naman. Nagbibiro lang ako. *evil laugh* Eat well.

Nanggigil ako sa paghawak ng cellphone at binagsak ‘yon sa lamesa. Kahit kailan talaga!

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon