Chapter 2

11.8K 187 18
                                    

"ADAN AT EVA!” sigaw ko sa pasilyo ng second floor ng bahay namin. “Huwag n’yo nga ‘kong taguan!" reklamo ko at kinamot ang ulo kahit wala namang makati. Naiirita na naman ako. “Adan at Eva?” Muli kong tawag.

Malala na ata ang air pollution sa utak ng mga magulang ko at sobrang na-contaminate na. Ako, Mary Christmas at ang dalawa ko namang kapatid, Adan at Eva ang ipinangalan. Galing talaga! Napakahusay! Halatang pinag-isipan ang napaka-unique naming mga pangalan. Naisip ko nga na ang swerte naming magkakapatid sa mga magulang namin, grabe.

Wala na kaming magagawa dahil rehistrado na ang pangalan namin bago pa man kami tuluyang magkamuang sa mga bagay-bagay sa mundo. Mahal ko naman sila, ‘yon naman ang importante ‘diba?

"Nandito lang po kami," pagbibigay-alam ni Adan. Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses niya. Ilang hakbang pa at binuksan ko ang pintuan. Nandito lang pala sila sa nursery room kasama ang pinakanakakainis na son of grasshopper sa mundo.

"Tawag na kayo ni Mama't Papa.” Bumuntong-hininga ako nang hindi man lang sila nagbigay ng kahit isang segundo para tingnan ako. Pinukulan ko si Yzaack ng masamang tingin. Siya lang kasi ang tumingin sa’kin. Binelatan lang niya ko. Iniangat ko sa ere ang nakakuyom kong kamao pero agad ko ring ibinaba dahil sa naalala kong may natitira pa pala kong pagtitimpi sa kanya.

“Matulog na raw po kayo," magalang na sabi ko sa dalawang kapatid ko na abalang nakatingin sa ginagawa ni Yzaack.

"Spare us a minute please! We will wait until kuya Zac finish this," sabi ni Eva. Ang mga mata niya ay parang bituin na kumikinang sa ginagawa ni Zac. Ano ba ‘yon? Out of curiosity, sinilip ko ang 'this’ na tinutukoy ni Eva. Nagda-drawing pala siya. Ang galing talaga niyang mag-drawing. May anime character siyang ginuguhit at kung hindi ako nagkakamali si Usui iyon na bida sa anime na Kaichou Wa Maid Sama.

"’Asan si Misaki?" I can’t help but to ask pertaining to the heroine of the said anime character. He looked at me, flashing his ever-present boyish grin.

"Here."  He handed me the paper. Caricature iyon ni Misaki. Napangiti ako. Cute. Pero nang tinignan ko pa ang ibang detalye sa ginuhit niya naglaho agad ang ngiti ko. Itiniklop ko ang bibig ko at pinilit ang sarili na hindi siya sigawan at pagsapak-sapakin. Mas lalo niya ‘kong nginitian na nang-iinis. Parang biglang umusok ang ilong at tenga ko.

“Walang hiya ka talaga, ISAAK!" asar na sigaw ko at ‘yon na nga binigyan ko siya ng sapak na hindi man lang niya ininda dahil hindi naman siya nasaktan. Ako pa ang nasaktan. Awts! Ang tigas naman ng braso ng lalaking ‘to.

Paano’ng hindi uusok na parang tambutso ang ilong ko kung may drawing dito na nanghahamak ng tao? May naka-drawing kasi na Christmas tree kung saan nakaturo do’n si Misaki at imbis na star ang nakalagay do’n sa tuktok ng TREE eh mukha ko naman ang nakalagay! In a caricature form pa! Buset talaga ‘tong buset na ‘to.

"You look so pretty cute and pretty adorable there, ate. Kuya Zac has brilliant hands, right?" My little sister said in a cunning giggle. I rolled my eyes in disbelief. KIYOT DAW! Alam ko namang pinagtatawanan nila ang drawing na ‘to kanina pa eh!

 “Tse! Wag n’yo nga ‘kong lokohin!” Itinuro ko ang matangkad na lalaki sa harapan ko.“At Isaak! Huwag mo ngang turuan ng kalokohan ang mga kapatid ko!” Ngunit tinawanan lang niya ko.

“Tinuturuan ko lang silang mag-drawing! Ako pa ginagawa mong masama.”Nanlalaki ang mata niya ngunit naka-plaster ang mapang-asar na ngiti sa’kin.

“Kaya nga po, ate. Gusto rin po naming maging cartoonist sa school paper na’tin.” Pagtatanggol ni Adan.
Humalukipkip na lang ako at muling nirolyo ang mata. Yeah, whatever! School cartoonist nga siya. Iisang Academy lang ang pinapasukan namin kasama ng mga kapatid ko. May Preparatory, Elementary, High School and College na kasi do’n. Ako naman journalist din sa school paper namin sa junior division dahil third year student ako. Kaya minsan hindi naiiwasan na nagkikita kami sa club namin kapag may mga meeting and meet-ups ng mga officer. Officer din ako, head journalist ng junior division at si Yzaack naman ang editor-in-chief slash cartoonist sa club.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now