Zac's POV: The Night Honey and Kellan arrived

2.4K 101 20
                                    

Here I am in the airport looking for Honey, I am still in shock because supposedly ay next two days pa sila makararating, napaaga lang dahil sobrang excited na raw siyang makita 'kong muli.

On the other hand, masaya ako pero mas nangingibabaw ang pag-aalala ko, anytime ay darating na si Mary sa suite ko, matatagpuan niya kong wala roon. Lahat ng plano ko, nasira. Ang balak kong surprise dinner, wala na.

I don't want to blame Honey for this, isa pa makikita ko na sa wakas sa personal si Kellan. The child is really adorable with rosy chubby cheeks that will tempt you to pinch it. The last time I saw that green-eyed creature...he is just so small and fragile, you will afraid to touch him because you're anxious that he might shattered.

I am talking about the day I flew back to U.K. I thought it was a simple break down of hers dahil iniwan siya ng ka-live in partner niya nang manganak siya but its worse than what I expected.

She tried to kill herself. And her newborn baby, too. Buti na lamang at agad siyang nakita ng kasambahay niya, pilit niya itong pinigilan ngunit napaka-agresibo raw noon ni Honey at pinagtangkaan siyang patayin.

Salamat na lamang at matapang ang babaeng kasambahay at nakuha niyang mapatulog si Honey nang hampasin niya ito ng bote ng wine sa may batok nang nakakuha siya ng pagkakataon. Agad niyang kinuha si Kellan upang hindi na madamay pa.

Noong makarating ako sa Ospital, tulog pa si Honey, nakausap ko ang Doctor, napag-alaman kong dumaranas siya ng matinding depresyon dahil sa mga pinagdaanan niya. Hindi lang dahil sa ginawa sa kanya ng ama ni Kellan kundi pati na rin sa nakaraan niya.

Nakilala ko siya dahil nobya siya ng kaibigan naming si Ridge, ang dating ka-live in partner niya. Hiwalay ang magulang ni Honey at naiwan siya sa poder ng kanyang ama na maagang pumanaw. Ibinigay siya sa bahay ampunan ng kamag-anak ng Daddy niya. Hindi nagtagal ay nagkaroon siya ng foster parent ngunit hindi nila naibigay ang atensyon na kinakailangan ng isang bata mula sa kanyang magulang. Basta't napaaaral siya, napapakain at may suportang pinansyal ay ayos na para sa foster parent niya.

She turns out to be alone and obviously sad because of what happened in her early age. But then, Ridge came into her life, she thought that he is the light from her dark world but Honey was wrong. Nang malaman ng partner niyang nanganak na siya ay agad siyang umalis. Hindi man lang nag-abalang bisitahin ang mag-ina, hindi nga niya nakuhang samahan si Honey sa delivery room. I feel pity for my friend that the moment she called and tell me what happened I came to her as soon as I can.

Mary, the half of my heart, the only one who can make my heart beats violently –she's understanding that I know enough she will forgive me once na sinabi ko na sa kanya kung ano ang nangyari, which happened, yes. Ang araw na naging kami, sinabi ko sa kanya ang totoo, buong puso niya 'yong tinanggap, pinaniwalaan at inintindi. Kinamusta pa nga niya si Honey at Kellan kung okay lang ba sila. Of course, I make sure na nasa maayos silang kalagayan bago ko sila iniwan.

I just strongly hope na maintindihan din niya ang ipapaliwanag ko ngayon.

Para mawala na ang depression ni Honey ay sumailalim siya sa treatment. May anak siya na kailangan niyang alagaan at palakihin kaya kailangan niyang magpagaling. Ang kasambahay niya ay nanatili sa poder nila at nagbantay sa sanggol.

Ako lang ang natatanging kaibigan ni Honey, alam ko. Nakaranas na siya ng maraming hirap kaya kahit sa simpleng paraan lang ay tumulong ko.

Hindi ko alam kung gaano kahirap mawalan ng magulang, dahil sila Mama't Papa ay laging nandiyan para sa'kin, kahit ilang taon pa 'kong nasa ibang bansa noon upang mag-aral ay hindi sila nagkulang sa atensyon, sa paalala at sa suporta. Nalulungkot ako dahil hindi naranasan ni Honey ang kahit isa sa mga 'yon. Kahit kailan ay hindi niya naranasan, naramdaman ang aruga ng isang magulang. Noon ko napatunayan kung gaano ako ka-swerte sa magulang ko.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon