Kabanata III - The Anniversary

4K 138 35
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"  


Tama ang inaasahan ko, tambak nga ako ng assignment. Sinort ko 'yong lahat at tinignan kung ano ang pinakauna kong iinterviewhin base sa schedule na ibinigay sa'kin ng secretary ng interviewee.

Sinubsob ko na ang aking sarili sa trabaho upang kahit papano'y makahabol sa mga araw na nawala ko dahil sa pagbabakasyon.

Kapag ganitong kaabala ay minsan hindi kami nagkikita ni Zac. Makokontento na lamang kami sa text at tawag.

Ang minuto ay lumipas ng oras, kalahating-araw, isang araw hangga't sa ito na, araw na ng 3rd year anniversary namin.

Pagkalapag ng bag sa office desk ko ay nakita ko ang isang pale pink box na tinernuhan ng pink na ribbon na nakatali rito. Nakangiti nang makahulugan ang co-journalist ko habang nakatingin sa'kin, inaabangan ang sasabihin ko.

Binuksan ko ang box at nakita ko ang picture namin na kinuhaan ni Zac noong nasa tuktok kami ng bundok. Natawa ako dahil ang epik ng pagmumukha ko. Ang gwapo-gwapo ng ngiti ng fiancé ko sa larawan samantalang ako parang nakakita ng multo dahil sa nakanganga ako't bakas ang pagkagulat.

Hinawakan ko ang hairclip na nakaipit sa aking buhok habang nakatitig sa larawan. Maloko talaga. Tinignan ko ang likod nito at nakita ko ang handwriting ni Zac. Nakasulat dito ang date at ang lugar kung saan kinuha iyon. Sa right bottom side nito ay may sinulat din siya:

My lady,

Please wear the following: the dress lying on your bed when you arrive at your room, the hairclip I gave to you, the killer heels I bought to you last Christmas, the necklace, your engagement ring and most importantly your special loving smile for me.

Meet me at my place, 8pm.

Happy anniversary, I love you.

- Y.K.L

Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa kilig. Ano kayang pinaplano ng lalaking 'yon?

❥❥❥❥❥

Tinitigan ko ang sarili sa full-length mirror. Suot ang dress na kulay sky blue, off-shoulder ito kung kaya't expose na expose ang madalas kong tinatagong clavicle. Napakaganda ng dress, may palamuti pa itong silver beads pa-diagonal ito simula sa kaliwang balikat ko pababa sa kanang bewang ko. Bumagay ang sandals ko with killer heels na iniregalo niya noong nakaraang pasko. Matapos masigurado na naisuot ko na lahat ng ipinapasuot niya sa'kin kabilang na ang espesyal na ngiti para lamang sa kanya ay bumaba na ko papuntang salas.

Naabutan ko ang dalawa kong kapatid pati na si Mama at Papa na nakaabang sa'kin.

"You look so...wow," bulalas ni Eva.

"Wow," ulit ni Adan. "Mas maganda ka pala 'pag matangkad?" Inosenteng mapang-asar na sabi ni Adan. Akma ko ng tatanggalin ang heels ko para ihagis sa kanya ngunit nahawakan na ni Mama ang braso ko.

"Hindi ka na nasanay. Binibiro ka lang niyan," natatawang sabi ni Mama. Hinalikan ako nito sa pisngi. "Enjoy your night."

"Mag-iingat ka. Tumawag ka kaagad kapag pauwi ka na," paalala ni Papa.

"Pa, magiging ayos lang ako," natatawang panigurado ko. "Pambata lang ang height ko pa, pero hindi ng edad ko, hindi ng isip ko."

"Nagsasabi lang naman." Niyakap ako ni Papa at hinalikan ang aking noo.

Hinatid na nila ko sa labas, kumaway ako bago nagsimulang magmaneho papuntang Bachelor's Pad ni Zac.

Pagdating sa harap ng pinto ay ini-enter ko ang passcode niya, pagkapasok ay sinalubong ako ng isang musika na hindi ko matukoy kung sino ang artist. Ang cozy nito at nakaka-relax, sumilay ang ngiti sa aking labi. Ito ang klase ng ngiti na tanging si Zac lang ang nakapagbibigay sa'kin. Dahan-dahan akong lumakad, ini-eksamin ang buong kapaligiran, tinitignan kung may nagbago, kung may inilagay siyang espesyal para isurpresa ako.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now