Kabanata XIV - I'm Wearing 'It' Again

2.9K 97 22
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"    

Nang makita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata buhat nang pagsampal ko ay agad akong umiwas ng tingin. Hiniwakan ko ang aking labi na mariin niyang hinalikan, pinunasan iyon at mabilis lumabas ng kwarto. Kwarto na puno ng wedding gowns.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin ngunit hindi ko 'yon pinansin. Nawala na ang konsentrasyon at isip ko sa pagpili ng mga damit ngunit kailangan ko nang makabili ngayon para sa okasyon bukas – ang engagement party ni Henrie at Baya.

Kung saan ay dapat kasama ko siya. Si Henrie talaga ang may kasalanan nito, eh!

"Mary, wait!" tawag niya. Agad akong huminto, huminga nang malalim upang mapigil ang luhang dumudungaw sa gilid ng mga mata ko.

"We're over! You're making this hard for me! Why did you kiss me?" Dahil sa pagka-fustrate na hindi makaiyak ay tinadyakan ko na lamang siya sa tuhod. Umaray siya nang malakas at napamura nang mahina.

"I'm sorry if I kiss you too much when we're together, I can't help it." Ineksamin ko ang ekspresyon niya. Ayoko ng nakikita ko. Bakit ang sincere niya? Bakit parang nagsasabi siya ng totoo? Kaya dahil sa sobrang pagkainis ay tinadyakan ko ang kabilang tuhod niya para pantay na.

Sinungaling. Ano'ng akala niya? Dahil sa nakakakilig na line na 'yon ay makikipagbalikan ako sa kanya? Eh, parang nabasa ko na nga 'yon somewhere – sa tumblr 'ata o pinterest. Tss.

"Mary," tawag niya. Ayts. Paano ko ba siya palalayasin dito? – at teka, paano niya nalaman na narito ako? Si Henrie. Oo nga naman, sino pa ba ang maglalakas loob na mangialam sa natapos na naming lovestory – ang kumag na boss ko lang naman.

Lumingon ako kay Zac ngunit inirapan din siya agad. Padabog akong naghahanap ng mga dress sa mga nakahanger na damit. Lahat magaganda pero nawalan na talaga 'ko ng gana. Kinuha ko ang cellphone sa shoulder bag at tinangkang tawagan si Henrie upang sabihin na hindi na talaga ko pupunta sa engagement party niya. Magkalimutan na bilang kaibigan pero hindi na talaga ko pupunta–

Si Baya...tama, ang kuryosidad na makadaupang-palad ang fiancée niya ang siyang epektibong motivation ko para dumalo. Pero hindi rin. Pwede ko naman siyang makita sa kasal niya 'diba? Tama. Doon na lang. Bahala na si Henrie sa buhay niya, magtampo man siya ay malalagpasan din niya 'yon – bigla akong natigilan sa pinaplano kong pagback-out nang nag-ring ang cellphone ko. Mula 'to sa unregister number kaya hindi ko agad sinagot. Inisip ko kung may may bago ba 'kong pinagbigyan ng numero ko kamakailan lang, ngunit wala naman.

Sasagutin ko na sana ang tawag nang may biglang may humablot ng cellphone ko.

"What the–"

"Hello," walang emosyong bati ni Zac nang sinagot ang tawag. "Oh yes, Baya," magiliw niyang banggit nang malaman kung sino ang caller. Malamang ay nakuha niya ang numero ko kay Henrie. "She's busy deciding what dress to wear. Your designs are fantastic, anyway." Inirolyo ko ang aking mga mata at ginaya ang sinabi niya ngunit walang boses.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagpili ng damit at hinayaan siyang kausapin si Baya. Tatlong segundo pa lang 'ata ang lumipas nang lingunin kong muli si Zac na magiliw pa ring nakikipag-usap sa fiancée ng iba. Siraulo 'tong gagong 'to. Mabilis akong lumapit sa kanya upang hablutin ang cellphone ko.

"See you soon, Baya!" paalam ko bago tapusin ang tawag sa kabilang linya.

"What was that suppose to mean?" naiinis niyang banggit.

"Kung gusto mong makipagtelebabad fiancée ni Henrie gamitin mo 'yang cellphone mo," tukoy ko sa kanang bulsa niya kung saan nakalagay ang cellphone niya. "Hindi 'yong nanghahablot ka ng cellphone ng iba!" singhal ko pa at agad siyang tinalikuran. Lumipat ako sa kabilang row ng mga dresses at pilit na inabala ang sarili sa pamimili ng damit.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now