Kabanata XV - Rules

2K 77 18
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"    

Ilang minuto na ang nakalipas nang matapos akong magpalit ng damit ngunit nanatili lang akong nakaharap sa salamin ng banyo ko't nakatitig sa singsing na muli kong suot-suot ngayon.

"Oh God," I whispered to myself, "what have I done?" naiiling kong banggit sa sarili.

Sa bilis ng mga pangyayari ay marami akong napagtanto. Ngayong bumalik na si Zac ay may ilang nakasanayan ng babalik: Halik niya, yakap niya, halik niya at yakap niya. Kailangan kong gawan ng paraan 'yon!

He won't let you move on, Mary! That was his trap! And you are a willing victim, yes, because you love him! You still effin' love him, idiot! How promising. Pinukpok ko ang aking noo gamit ang palad upang patahimikin ang sarkastikong alter ego ko.

Lumunok ako at diretsong tumingin sa repleksyon ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinaplano ni Zac, gulong-gulo na ko sa mga ginagawa niya. She kissed his so called friend; saw him making out with the same woman, tried and success to push me away and now his back, figuring out that the idiot is hiding something from me.

...and I'm perfectly convinced that it has something to do with Honey.

Now I am a woman with a mission: find out Yzaack's secret.

"I can do this," I murmured in a determined voice.

But the question is...how?

❥❥❥❥❥

Nang masilayan ko sila sa salas ay nakita ko na silang kumakain. Napakatahimik nila at parang mga kilansing ng kustara't tinidor lang ang nag-uusap. Isang adjective para sa kanila. Awkward.

"Ate, ang totoo kasi niya mahigit isang oras ka na naming hinihintay. Gutom na talaga kami kaya nauna na kami," paliwanag ni Eva.

"It's okay, I understand."

Nang hinila ko ang upuan sa tabi ni Zac upong umupo ay agad kong nakita ang relief sa ekspresyon niya. Hinila niya ang kinauupuan ko palapit sa kanya hangga't sa magdikit ang binti naming dalawa. Gulat akong napatingin sa kanya't puno ng pagbabanta siyang binalaan na magtino at 'wag gumawa ng kalokohan. Nginitian lang niya ko't sinubuan ng pagkain.

Lumingon ako sa magulang at mga kapatid ko, puno ng kaplastikan ko silang nginitian at sinimulan na lamang ang pagnguya. Nang angka kong aabutin ang lalagyanan ng kanin ay pinigil ako ni Zac, tatanungin ko sana kung ano ang balak niyang gawin ngunit nahinto ako dahil ang sunod niyang kinilos ay siya na mismong sagot sa aking tanong. Siya na ang naglagay ng kanin (ang dami) at ulam (ang dami rin) sa plato ko.

"You lose weight, you need to eat," seryoso niyang banggit.

Isa-isa kong tinignan ang reaksyon ng mga taong kasama namin sa hapag-kainan. Si Papa, amuse. Si Mama, tuwa. Si Eva, kilig. Adan, Error 404: Reaction not found.

Napailing na lamang ako at muling binalik ang atensyon kay Zac, tatlong beses akong nagsandok ng kanin at nilagay 'yon sa plato niya at limang sandok naman ng ulam at inilagay rin sa plato niya.

"You lose weight, you need to eat," panggagaya ko.

It is true na pumayat siya, lumalim nga rin ang kanyang mga mata, bakas na kulang siya sa tulog. Something or someone's bothering him at hindi ko alam kung ano ang spesipikong dahilan nito. Kahit tanga mahahalata 'yon, at hindi naman ako tanga kaya kapuna-puna 'yon sa'kin. Marahil sila Mama't Papa, Adan at Eva ay napansin rin iyon ngunit hindi na nagkomento pa.

"Sure. We lose weight, we need to eat," nangingiting koreksyon ni Zac sa kanyang sarili. Hindi ko na pinansin ang pagbungingis ng aking mga magulang at sinimulan ng maghapunan kasama ang ex fian – fiancé ko.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now