Chapter 1

19.2K 261 20
                                    


NOTE: characters from the first few chapters are 16 and below lang kaya ang ugaling ipapamalas nila ay base lang din sa edad nila. 😅 I wrote this (book 1) when I was 17 so medyo iba ang writing style ko rito compare sa book 2 haha! Anyways, enjoy reading!

P.S. hindi siya gaanong revised so kindly bear with the errors po. Thank youuuu! 😊

***

Book 1 - My Mary Christmas

"You! Come back here!" I screamed at the top of my voice while running after him.

"Belaaaatt! Pengeng regalo! 'Wag kuripot!" mapang-asar niyang tugon sa'kin.

"Hindi pa Pasko!" sagot ko at sunod-sunod na pinadyak ang paa.

"They say na araw-araw Pasko kaya akin na 'to! MARY CHRISTMAS!" Humagalpak siya ng tawa habang tumatakbo pa rin. Grabe! Hindi pa ba napapagod ang lalaking 'to? Napagtripan pang kunin ang panyo 'ko...tss!

"ISAAK KEBIN!" padaskol kong sigaw. Sobrang naiinis na talaga ko sa kanya. Wala na yatang matiwasay na araw ang nagdaan sa'kin simula nang nakasama ko ang lalaking 'to.

"It's YZAACK KEVIN, my lady," pagtatama niya sabay kindat sa'kin. Bigla akong napahinto, napalunok, napatitig sa kanya at napalunok ulit. Bumilis ang tibok ng puso ko pero sa sitwasyon ko ngayon na sobrang naiirita sa kanya, hindi 'ko pwedeng i-entertain ang nararamdaman ko na'to. At bakit ko nga ba 'to nararamdaman?

"Pake ko! ISAAK! Kung ayaw mong maisaksak ko sa sa ilong mo 'yan! Ibalik mo na 'yan!" singhal ko sa kanya sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Pati nga tuhod ko parang biglang nanghina. Pero kailangan ko 'tong labanan.

Payteeng! Tinangka kong hablutin sa kanya ang panyo ko ngunit agad naman niya itong naitaas sa ere. Pilit ko 'yong inabot at tumalun-talon.

"Hahahaha di abot! Pandak kasi! Pandak! Pandak! Pandak!" tudyo pa niya. Ang sama talaga ng talipandas na 'to. Hinahamak na naman ang pagkatao ko. Araw-araw na lang.

"Hmpf! Hindi naman eh! Matangkad ka lang!" pagtatanggol ko sa munti kong sarili.

"Ahhh... si Mary Christmas, PIKON! PIKON! PIKON! PIKON!" inulit niya pa 'yon sa di mabilang na beses.

Tumakbo na naman siya palayo sa'kin. Sigaw na ako nang sigaw habang paikut-ikot sa garden namin.Kainis talaga! Anak ng tinapakang kalabasa talaga, oo! Ang haba kasi ng binti kaya hindi ko mahabol! Nakaabot na kami sa kabilang banda ng bahay kung saan may pool.

"ISAAK akin na 'yan sabi eh!" mapapaos na 'ata ako kakasigaw. Asar! Mas lalo akong nababagabag dahil nakasulat sa panyong 'yon ang pangalan ng secret crush ko. Nahuli niya kasi ako na may sinusulat doon tapos ayon bigla na lang hinablot sa'kin! Ang salbahe niya talaga! Kabaliktaran ng Mama't Papa niya.

"Habulin mo 'ko," puno ng pang-aasar niyang sabi na mas lalong ikinakulo ng red blood cells ko.

"Eh loko ka pala eh! Kanina pa kaya kita hinahabol!" hingal na hingal na sabi ko. Ang dalawa kong kamay ay kapwa na nakahawak sa tuhod ko. Pawis na pawis na rin ako dahil sa abnormal na init mula sa sikat ng araw.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now