Zac's POV: The Day my Friend and my Fiancée met.

1.9K 83 17
                                    

Zac's POV: The Day my Friend and my Fiancée met

I prop my elbow on the side of my head and stare down to the sleeping angel lying beside me. Hindi ko mapigilan ang nakakalokong ngiti sa labi dahil hindi man lang siya nagising habang maingat ko siyang binibihisan.

"You're worth it, you know." I move closer to her and peck a kiss on her soft cheek. "I love you," I whisper.

Everything's been worth it nang sinundan ko si Mary sa Recto, thanks to our technology dahil uso na ang GPS ngayon. I want to apologize for what had happened; it was supposedly yesterday pero nang ninakawan si Mary at dumagdag pa ang paglala ng sakit ko ay hindi na natuloy pa ang plano. But like what I said on my first three words, everything's been worth it because despite na may alitan kami she still choose to watch and monitor me while I'm sick.

God, we even made love which makes me so damn happy, I want to take her again, make her moan my name again.

My phone vibrates on the nightstand indicating a call. Agad kong kinuha 'yon at maingat na bumaba sa kama upang hindi maistorbo si Mary. Naka-flash ang mukha ni Kellan sa phone ko that means ay tumatawag si Honey.

"Hey!" I greeted.

"Sweetie!" I raise my brows at her endearment. "We're at the front of your door, open us up!" Excited niyang tugon. Agad akong tumungo sa pintuan, naiiling habang nangigiti. "Surprise!" Masaya niyang bati, nasa stroller si Kellan, tahimik na nilalaro ang pacifier ng mga munti niyang daliri.

"I'll pretend that I'm surprised," sarkastiko ngunit pabiro kong tugon na kinatawa niya. Pinangako ko kasi na ipapasyal ko sila ngayong - yeah, ngayong araw which makes me halt because I promised to my lady that I will make it up to her this day for our messed up anniversary! Oh God. "Uhm, Honey?" Dahan-dahan kong banggit.

"Yes?" Napalingon siya sa'kin mula sa pagi-eksamin ng kabuaan ng suite ko. What now? Sasabihin kong cancel ang lakad namin dahil nakapangako na 'ko kay Mary? But mas nauna akong nakapagbitiw ng pangako sa mag-ina!

Ugh, how scatterbrained you can get, Zac! This is a huge problem.

Maiintindihan naman siguro ni Honey kung sasabihin kong hindi matutuloy ang pagpasyal ko sa kanila 'diba? She is my friend by the way, I know she'll understand, pero hindi ba't nakakahiya na ipagpabukas pa 'yon, eh nandito na sila sa suite ko?

Wait - what? Don't stare at me like that you bunch of judgmental readers. Men can be stupid sometimes, you know. I admit.

Umangat ang tingin ko sa kwarto kung saan naroon si Mary. How 'bout my fiancée? Mapagbibigyan at mapapatawad ba niya 'ko ulit kung ipo-postpone kong muli ang celebration ng anniversary namin? Maiintindihan naman niya siguro ang part ko dahil mas nauna na 'kong nangako sa mag-ina, sadyang nakalimutan ko lang dahil sa mga bigat ng mga pangyayari: pagtatampo niya, pagsigaw niya sa Mama niya, pakikipagbunuan ko sa nagtangkang nagnakaw ng cellphone niya, pagkakasakit ko at marami pa. Maiintindihan din niya siguro na ngayon lang kami muling nagsama ni Honey at Kellan matapos ng ilang taon.

Ah, I know! Isasama ko na lang si Mary para mas masaya, para mas maintindihan din niya na wala siyang dapat ipagselos sa'ming dalawa ni Honey. Na isang tunay na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Tuluyan ng naglaho ang problema sa isip at damdamin ko, alam kong papayag si Honey sa ideya kong 'to. Mainam na rin ito upang magkakilala sila ng lubos, nakakatuwang isipin na magiging kaibigan din ni Mary ang kaibigan ko.

"Zac, are you okay?" Tanong ni Honey nang hindi ako agad nakapagsalita. Bigla pa kong napahakbang paatras nang hinawakan niya ang pisngi ko.

"Yes, I'm okay. Have a seat." Sabay kaming umupo sa sofa, nakaharap ako sa kanya at nasa tabi naman niya si Kellan na nagkakalat ng laway sa stroller niya. Kinuha ko ang lampin sa tabi niya at pinunasan ang kanyang laway sa labi, baba hanggang leeg niya.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now