ZAC'S POV: The night she broke up with me.

2K 92 9
                                    

Zac's POV: The Night She Broke Up With Me.

Kinagabihan ay nagmaneho na ako papunta sa building na pagma-may-ari ni Henrie. Chineck ko ang aking relo upang siguraduhin na sakto lamang ako sa oras ng pagpunta upang siguraduhin na maayos siyang makakauwi sa kanilang tahanan. Hindi ko pa man nahihinto ang kotse ay may nakita akong isang babae na kasingtangkad ni Mary at isang lalaki na halos kasing tangkad ko lamang.

Sa kurba ng katawan at haba ng buhok niya ay agad kong nakilala ang babae, gayon din ang lalaki dahil natatanaw ko ang mukha niya mula sa kinalalagyan ko. Inihinto ko ang kotse dahil biglang nanginig ang buong sistema ko. Ang pagkakahawak ko sa manibela ay humigpit nang sobra.

Umiiyak na naman siya. Dinaluhan siya ni Henrie, kinausap, pinunasan ang luha, pilit na pinapatahan. Nang hinalikan siya ng fiancée ko ay umiwas ako agad ng tingin at pinatakbo ang kotse, siniguradong nakita ni Mary ang kotse ko para ipaalam na nakita ko silang dalawa.

Bulag ako sa pagseselos ngayon. Dapat ako ang nagpapatahan sa kanya, kayakap niya pero tangina talaga dahil hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil ako ang dahilan nang bawat pagpatak ng luha niya.

Pagdating sa suite ay agad kong narinig ang musikang umaalingawngaw sa buong paligid, hinagis ko sa kung saan ang susi. May tao sa loob. Humakbang ako upang pumunta ng kusina at kumuha ng alak ngunit ilang hakbang pa lamang ang naisasagawa ko nang may humarang sa'kin.

"Honey," alangan kong banggit. "Where's Kellan?" Hind niya sinagot ang tanong ko bagkus ay hinila niya ang necktie kong suot upang makalapit ako sa kanya.

Hinawakan niya ang dibdib ko, iginapang niya 'yon papunta sa'king balikat para matanggal ang coat na suot ko.

"Honey," puno ng pagbabanta kong sabi. Mabini lamang siyang tumawa na parang nang-aakit. Sunod naman niyang tinanggal ang necktie ko. Lumapit siya sa kaliwa kong tainga at may binulong.

"I can make you happy," kinagat niya ang sensitibong parte nito kung kaya't napapikit ako. "I can make you forget her..."

"You follow me, don't you?" Konklusyon ko.

"Yes," tumango siya nang mabagal habang unti-unting tinatanggal ang butones ng polo ko. "I'm actually mad at you. You promise you're not seeing her anymore but...hey, you betrayed me." Bigla akong na-estatwa sa kinatatayuan ko, tinawanan lamang niya ang reaksyon ko. "Oh baby, if you can look at your face right now. Priceless." Tuluyan na niyang natanggal ang pang-itaas kong suot ngunit wala pa rin akong salitang mabanggit. "I have lavish wicked ways to kill her, Zac. Hence, both of you since I can't have you all to myself, you are just so faithful to your lady even if she's bitching you behind syou still love her." Lihim akong napalunok at umiwas sa nanlilisik niyang tingin. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paghubad niya ng kanyang blusa. "That hurts me. So, I'll rather kill you both."

"Honey, please. That's not a good joke."

"Do I look like I'm joking?" Humalakhak siya. "Hush, Zac. Let me kiss you." Umiwas ako sa kanyang labi, humakbang palayo sa kanya. Salamat at hindi siya sumunod sa'kin.

Dumiretso ako sa kusina, kumuha ng isang boteng alak at tinungga 'yon. Agad ko 'tong nakalahati ngunit ang halo-halong tensyon, takot, galit at pagseselos na nadarama ko ay parang hindi man lang humupa. Tinungga kong muli ang alak, nang maubos ko 'to ay muli akong kumuha sa ref. Bubuksan ko na sana 'yon nang mahagip ng aking paningin si Honey. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Dang, she's topless.

"Let's call this a night. I'm tired." Tawag ko mula sa kusina, nakatalikod sa direksyon niya.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now