Kabanata X - Dati

2.3K 113 25
                                    

Ang tahimik naming dalawa for the rest of the ride. Fiancé ko siya pero bigla akong nailang matapos niya kong nakawan ng halik. Ang weird. O baka sadyang may LQ lang kami ngayon kaya ganito ang nararamdaman ko. Pero ang weird pa nga rin! Ayts!

"Thank you," kinakabahan kong sabi nang ihinto na niya ang kotse sa harapan ng building na pinapasukan ko.

"Sure," Iyon na 'yon, wala ng kahit ano. Ni-I love you, yakap o halik ay wala na. Nagbago na talaga ang lahat. Maisasalba ko pa ba 'to? Maibabalik pa ba namin sa dati ang relasyong 'to? Siguro hindi na.

Pero weird din naman na yakapin at halikan niya ko sa kabila ng pinagdadaanan namin ngayon. Mahirap mag-pretend na parang walang nangyari. Hindi naman ako pinalaking tanga kaya never akong maglalaro ng tanga-tangahan kay Zac.

Agad akong bumaba. Dumiretso ng lakad, hindi ako nagtangkang lingunin siya muli dahil baka hindi ako makapagpigil na umakyat muli sa kotse niya't yakapin siya't tadtarin ng halik, katulad ng dati.

Hindi pwede. Kailangan kong magpakatatag.

"Mary?" Nabaling ang tingin ko kay Henrie. Ngumiti ako sa kanya bilang pagbati ngunit agad ding nawala 'yon dahil muli. Sa hindi ko mabilang na beses ay muli na naman akong lumuha.

"Hi-"

"Shh, I got you." Sunod kong namalayan na nakapalibot na ang bisig niya sa'kin, para bang pino-protektahan ako.

Mas lalo akong naiyak. Ganito si Zac sa'kin dati.

Dati...

Dati...

Dati...

"Bakit ganon siya? Nagpaparamdam lang pero hindi naman siya nagsasalita. Hindi naman siya multo! Nakakainis," sumbong ko sa pagitan ng hikbi.

"Just wait, Mary. Malay mo may hinihintay lang siyang pagkakataon."

"Ang dami na niyang pagkakataon, eh! Pero bakit tikom pa rin ang bibig niya?"

"Only Zac can answer that, dear."

Si Zac. Si Zac na hindi man lang makuhang magsalita at ipaliwanag ang side niya. Ang labo. Mas lalong lumalabo ang relasyong 'to habang tumatagal.

"Do you think na nakita ka niyang niyakap mo ko?" medyo nag-aalala kong sabi. Kahit naman kasi may problema kami ni Zac ay alam kong magseselos pa rin 'yon. Well, at least iyon ang paniniwala ko.

"No, I saw him drove away the moment you walk five steps from his car." Lumayo ako sa pagkakayakap niya at kinurot ng pabiro ang pisngi niya.

"Talagang binilang mo 'yon, ah?" biro ko.

"Nabilang ko nga. Palabas ako ng building nang makita kong huminto ang kotse ni Zac." Paliwanag niya. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Tinuyo ko muna ang luha sa daliri ko bago kumalas sa yakap niya. Baka makita pa kami ng mga issue maker na empleyado niya at ma-tsismis kami. May ilan kasing taga-media na simpleng gesture lang ay iba na ang gustong ipagpakahulugan.

"You okay?" Ppuno ng pagtataka kong ineksamin ang mukha niya, para kasi siyang hindi mapakali.

"Ah, Mary?" Napakaalanganin ng boses nito na para bang nahihiya siya sa susunod na sasabihin. "Nothing. Tsaka na lang, 'pag sure na."

"What do you mean 'pag sure na?"

"Wala. Basta." Binuka ko na ang bibig ko para tambakan siya ng mga tanong pero naunahan na niya ko. "Umakyat ka na sa taas. Magtrabaho ka na." Kahit magkaibigan kami ay hindi pa rin matatabunan ang fact na boss ko pa rin siya at empleyado lang ako.

"Opo, Boss," sinimangutan ko muna siya, uma-attitude na empleyado lang. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago ako tuluyang nakalayo sa kanya.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now