Kabanata II - Temporary Bliss

5K 121 13
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"  


Sa pagkakaalala ko ay nakatulog ako mismo sa sofa habang yakap-yakap si Zac matapos naming gawin ang 'Late night habit' namin pero ngayon ay nasa kama na kami ng aming kwarto.

Nakatitig lang ako kay Zac habang siya'y natutulog. Ilang beses ko na itong nagawa, hindi ko na nga mabilang pero sa 'hindi mabilang' na 'yon ay hindi pa ko nakararamdam ng pagkasawa.

Kaya hindi ako naniniwala kay Adan, eh. Wala daw true love. Hindi lang 'Forever' ang binabatikos niya pati 'True Love' rin. Masiyado siyang bitter. Lulunukin niya rin ang salitang 'yon kapag nakahanap siya ng katapat niya. He will realize someday that it just only takes a 'right person' para maramdaman niya ang katulad ng nararamdaman ko para sa kuya niya.

"Mary," bumaba ang tingin ko sa labi niya. Mukhang nananaginip 'ata siya, "I love you," bulong niya na ikinangiti ko.

"I love you, too," bulong ko rin sa kanya.

"Gotcha!" panghuhuli niya. Sa puntong 'to ay nasaksihan ko ang pagdilat ng kanyang mga mata maging ang pagniti niya nang sobrang lawak. Dahil dito ay nakatanggap siya ng malakas na hampas bilang pagbati ko ng 'Good morning' sa kanya "My lady really loves me," pumitik siya sa ere. "I knew it!" at tumawa na siya ng tuluyan. Tawang tagumpay.

"Ang aga-aga nampo-power trip ka na naman!" Iritable kong singhal sa kanya.

"Good morning to you, too."

"Ahhhh," marahas kong tinabunan ng unan ang gwapo niyang mukha.

Tinangka kong bumaba ng kama ngunit nahuli niya agad ako sa aking bewang kaya nag-landing ako sa katawan niya.

"Let me go," utos ko.

"Sinabi ko naman sa'yo diba? Hindi mo kailangang pagselosan si Honey, kaibigan ko lang siya. Hindi na hihigit 'yon. Tsaka paano na ko makapagmamahal ng iba kung ang pangalan mo, nakaukit na sa puso ko."

"Sorry. Hindi nakakakilig," pabebe kong banggit bago itago ang aking mukha sa dibdib niya.

"Too late, I saw you blushing," naramdaman ko na ang pag-vibrate ng dibdib niya dahil sa malakas niyang paghalakhak.

Sa pagkainis ay gumalaw-galaw ako sa ibabaw niya na parang kiti-kiti upang makawala sa bisig niya. Napahinto ako nang bigla siyang umungol. Alam ko kung bakit dahil naramdaman ko 'yong...basta, basta may tumigas! Kung berde ang pag-iisip niyo alam niyo na 'yon.

"Well, well," kinindatan niya ako, "this means we need to do our morning habit."

Walang pinagkaiba ang 'late night habit' sa 'morning habit' naming kaya ayoko ng i-elaborate pa ang scene na 'to. Nakakainis pinapupula na naman niya ang pisngi ko!

❥❥❥❥❥

"Uhm, about yesterday?"

"What?" sabi ko habang ngumunguya. Nasa kusina kami't kasalukuyang nag-aagahan matapos maligo at mag-'morning habit' part two. Ang mga itinago niyang upuan at iba pang patungan na maari kong pagtungtungan para makuha ang box ng cereal kagabi ay inilabas na niya. Itinago pala niya ito sa isang bakanteng kwarto.

"Honey's planning to come and stay here for–"

"What?!" pagputol ko sa sinabi niya.

"...a while," pagpatuloy niya sa naudlot na sasabihin.

"Do I have a say here?"

"Uhm, it depends." Tinitigan niya ko nang mataman. Mukhang na-sense naman niya na hindi ko gustong tumapak ang Honey na 'yon dito sa bansang Pilipinas. "Come on, Mary. I want to see the baby," lumambot naman ang puso ko. Gusto ko rin naman kasi makita ang green-eyed baby na 'yon.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now