Kabanata XXIV - The Greatest Scheme

2.1K 85 9
                                    


Agad kong nakita sila Mama't Papa pagkamulat ko ng aking mga mata. Tumingin ako sa pamilyar na paligid, nandito ako sa'king kwarto.

"Honey," bulong ko. Nanunuyo ang lalamunan ko, kung kaya't inabot ko ang baso ng tubig, madali naman akong inalalayan ni Papa. "What happened?" tanong ko matapos makainom.

"Oh, dear," sambit ni Mama makalipas ang napakaraming segundo. "She's gone."

Tumango lamang ako. Hindi ko masisisi ang aking sarili kung hindi man ako nagulat sa balitang ito. Habang kausap niya ang anak niya, habang kausap niya ako ay alam ko na...alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Itinago ko ang aking mukha sa aking palad at doon tahimik na umiyak.

"I have done nothing to help her," hikbi ko. "Nothing," naramdaman ko ang mainit na bisig ni Mama sa paligid ko.

"You're wrong. Ginawa mo ang lahat para tulungan siya. Don't put too much burden on yourself." Wika ni Papa at hinawakan ang kamay ko.

"Where is she?" tukoy ko kay Honey.
Isinalaysay ni Mama kung ano ang nangyari simula nang mahimatay ako. Tinawagan agad ni Zac si Mama upang sabihin ang nangyari, agad namang pumunta sila Mama't Papa upang kuhain ako at ihatid dito. Habang sila Zac ay diniretso ang katawan sa morgue. Ipinilit ni Papa si Adan na samahan si Zac upang may makatuwang, hindi nila gaanong nakausap ang fiancé ko dahil ayon sa kanila ay masiyado raw itong okupado - at naiintindihan naming lahat iyon.

Tahimik na bumukas ang pinto, nakita ko sila Ninong at Ninang na pumasok.

"Zac called," pagbibigay-alam ni Ninang. "He told us what happened." Malungkot niya 'kong nginitian. "He asked to visit you first," tumango lamang ako bilang sagot. "I am sorry, Mary," hindi na kinaya ni Ninang, bumuhos na ang luhang sa tantiya ko'y kanina pa niya pinipigil.
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

"You should go to your son." Matamlay kong banggit. "I know he's tired. He's..." huminga ako ng malalim. "He's been through a lot of things lately."

"I know, dear. Bibisitahin muna namin si Kellan bago umalis."

Kellan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa. Wala pa siyang kamuang-muang na wala na ang Mommy. Hindi ko hahayaang maging ulila siya. Kinuha man ni Honey ang sarili niyang buhay ay alam kong hindi niya rin gugustuhin na mag-isa ang pinakamamahal niyang anak.
Napangiti ako ng mapakla, gusto kong isumbat sa kanya na sana hindi niya lang inisip ang magpakamatay kung iyon naman pala ang gusto niya. Gusto kong magalit sa kanya. Napakamakasarili niya.

Honey's dead. I can't believe she really ended her life. And I can't believe we haven't saved her. Gusto kong magalit, mainis, at magalit muli ng sobra...sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akong kwenta.

Sana hindi ko na lang sinarado ang kwarto, sana hinayaan ko na lang ang sarili kong magmasid sa ginagawa niya, sana hindi ko na lang siyang itinuring na kaibigan, sana hindi ko siya sinabihang mahina, sana hindi na lang ako pumunta sa lugar niya.
Dahil...d-dahil baka hanggang ngayon ay buhay pa siya.

"K-kellan where is he?" nag-aalala kong tanong habang pilit na bumabangon. Nangangatog ang mga kamay ko habang pinupunasan ang luhang hindi ko namalayang dumadaloy sa'king pisngi.

"He's with Eva, in her room, playing." Sagot ni Mama.

"Okay." Nang makaupo nang maayos ang isa-isa ko silang tinignan ng mainam sa mata.

Rembering what Honey asked me, I take a deep breath. I'm pretty sure they will understand what I am about to say. I'm sure they will be generous enough to grant my request.

I mean, who wouldn't?

"I...I need to tell you something important," they only smiled at me for encouragement.

Marry Me, MaryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt