Kabanata XXV - He's Here

1.2K 55 5
                                    


"Yzaack Kevin Lopez!" Tawag ko sa pangalan niya, sa sobrang lakas ay hindi ako magtataka kung umabot 'to hanggang labas. "Show yourself at once!" Naiinis kong sigaw at nagsimula ng hanapin siya, hindi alintana na wala akong suot na panyapak.

"You ruined the surprise!" rinig kong singhal ni Baya kay Henrie bago ako tuluyang makalayo sa kanila.

Great. Great. Great.

Una kong pinuntahan ang kwarto ng fiancé ko, katulad ng inaasahan ay wala siya roon. Basta, ang tiyak ko lang ay nakarating na siya galing ng ibang bansa, sa tingin ko'y ngayong araw lang siya nakarating base sa nakakalat niya pang mga maleta.

"Where are you?" bulong ko sa sarili.

Bago umalis ay sinilip ko muna ang banyo niya, wala rin siya roon.

Nang makalabas ng kwarto ay biglang napalundag si Adan dahil akma siyang papasok sa kwarto ng fiancé ko.

"No what, Adan?" nakahalukipkip kong tanong.

"N-nothing," pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Where is he?" malamig kong tanong. Umiling siya. "'Yong totoo," sabi ko sa nagbabantang tono.

"Gotta go." at dahil sa loyal ang kapatid ko ngayon kay Zac ay kumaripas siya ng takbo at iniwan ako.

Iniwan ako. Magaling, magaling.

"Isaak kebin!" Tawag kong muli sa magaling kong fiancé. "This is not cool!" mabilis ang hakbang ko, walang humpay na tumitingin-tingin sa kanan, kaliwa maging sa likuran ko. May posibilidad kasi na daanan niya ako at agad na magtago.

Sa paglalakad ay dito ko lamang napagtanto na ang tahimik na ng paligid. Na parang walang tao ngayon sa buong kabahayan. Huminto ako at sumandal sa pader, pinagmasdan ang mga maliliit kong daliri sa paa.

It's me against them.

Alam naman nila na ayoko ng mga ganitong supresa. Lalong-lalo na si Yzaack. Naku, ang tagal na ngang hindi nagpakita ng kumag na 'yon pero may lakas ng loob pa rin siyang pag-tripan ako.

Napailing na lamang ako sa sarili bago pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko maiwasang maalala ang araw na bumalik ako rito sa bahay nila. Binigyan ako ng assignment ni Henrie, ang makapanayam ang isang sikat at successful cartoonist na kababalik lamang mula sa ibang bansa. Okay na ang lahat, binigyan niya ako ng day off upang makapaghanda, hindi ko na rin daw kailangan pang mag-research tungkol sa subject ko dahil kilalang-kilala ko na raw siya. Ang tanging ibinigay niya lang ay ang address ng bahay nila.

Kinabukasan noon ay halos gusto ko ng kumaripas ng takbo nang ibaba ako ng taxi driver sa harapan ng bahay nila Ninong at Ninang. Alam kong taga Tagaytay sila Yzaack ngunit hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin ang address nila. Kaya noong nasa harapan na ako ng bahay nila ay hindi ko na gusto ang tumatakbo sa isip ko - na baka si Zac ang tinutukoy ng boss ko! At nang pinagbuksan na nga ako ni Ninang at pinaalam na bumalik na siya rito ay nanghina ang tuhod ko.

Wala ng takbuhan pa, iginaya na ako ni Ninang papasok sa malaking bahay nila. At hindi ko na rin naisipan pang tumakbo dahil sa wakas ay nasilayan ko siyang muli makalipas ng mahigit isang dekada.

Right then and there, he had me.

I love him since childhood but intensity got deeper the moment my eyes landed on the better version of him. Physically. And oh, he was a first class rake and I hate royally hate him for that. I wouldn't wonder if he bedded hundreds of girl before he committed himself to me.

How would I forgot that day when he mocked my height, how we quarreled about the dress and high heels I'm wearing, how he suddenly pull me against him for a tight embrace, how he confessed that he missed me that close to him - my knees turn into a jelly - and the moment he introduced me the special room he called Far, far away.

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now