Prologue

25.6K 293 34
                                    

TW: Suicide. Strong language.

***

Prologue

"Bakit mo naman ako iniwan? Paano na ako, ha? Sino na 'yong magtatanggol sa'kin? Bakit naman ganito? Bakit ka naman umalis?" Halos mamaos na ang boses ko sa bawat iyak.

My body finally landed beneath the bermuda grass. I can't help it. I felt so weak to even compose myself.

Maingat kong hinawi ang mga tuyong dahon na nakaharang sa lapida ng lalaking mahal ko. Sobrang tahimik ng lugar at halos ang tunog na lamang na nagmumula sa mga napupunit na tuyong dahon ang aking naririnig.

I held on to my chest as I slowly tightened my grip on my shirt. I couldn't explain the pain I felt right now, and it feels like everything is collapsing around me. Everything was gone.

"S-Sorry. Tama sila, kasalanan ko. H-Hindi sana mangyayari sa'yo ito kung hindi lang sana ako naging mahina." hirap na hirap na saad ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luhang nanggagaling sa namumugto kong mga mata.

"B-Bakit ako pinanganak na ganito? B-Bakit ako pinanganak na mahina? Bakit naman pati ikaw... bakit pati ikaw binawi ka sa 'kin?" Humagulgol ako.

Wala sa sarili akong tumayo matapos ang halos walang humpay na pag-iyak. Gabi na at tanging liwanag na lamang na nanggagaling sa mga street lights mula sa malayo ang nakikita ko.

Nangangatal na ang mga kamay ko at nanghihina ang buo kong katawan.

Para akong lumulutang habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, kung saan ba ako tinutulak ng sakit na nasa likod ko.

Gusto ko nang tumakas. Gusto kong iwanan lahat. Gustong-gusto kong lubayan ako ng sakit.

"Ahh!"

I cried out in pain when something tripped me on the ground.

Putangina.

Putanginang buhay 'to.

Gusto kong lakasan ang paghampas sa lupang pinagbagsakan ng aking katawan pero hinang-hina ako.

Lalo akong naiiyak. Nakakainis!

Kinapa-kapa ko ang lupang ngayon ay pinaglalapatan ng aking katawan. Tinukod ko ang aking palapulsuhan at pinilit na tumayo.

I clenched my fist and my body continued shaking.

All. Was my fault. Everything was my fault. All the shitty things that happened were my fault. They said that.

I kept on walking on the empty field... moving my eyeballs everywhere whenever I heard their voices and cries like a pitiful crazed woman. I raked my hands through my hair and never stopped muttering sorry... sorry, sorry silently.

My eyes flickered everywhere... but it stopped when I found myself standing in front of an abandoned building, and finally my sight was fixed there. Below. Where it was so deep. So dark.

I walked slowly towards the dark place, thinking it might be the answer to all of my burdens.

I stepped up onto the stairs until my feet reached the rooftop.

My legs are shaking.

But this is the only way to end this fear. This pain.

The cold wind was sliding on my skin, it made me shiver.

Nanginginig ang katawan ko habang pinagmamasdan ang lalim ng paghuhulugan ko.

Nanginginig ako hindi dahil sa takot na mahulog, kun'di sa sakit na nakakintal sa dibdib ko.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα