Chapter 42

8.8K 143 46
                                    

Chapter 42

Hindi niya na naman ako pinakinggan... Ni ang pagbaling ng tingin sa akin, hindi niya magawa.

"Traver, tama na... Ilang oras na lang, lulubog na ang barko. Ilang minuto na lang din, sasabog na ang bomba. Please... lumayo na kayo habang may oras pa." Halos manlumo ako matapos marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Kiro.

Pareho kaming agad umiling.

"K-Kiro, no! Hindi ako papayag!" I yelled. Ilang ulit na tinusok ang dibdib ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Itong mga mata niya. Iyong mga matang iyan... Magagawa ko pa ba iyang matitigan kung susukuan ko siya?

Tumigil si Traver sa paghampas kaya naglakad si Kiro palapit sa amin. Nilakad ko rin ang direksyon patungo sa kaniya at hinawakan ang kanyang mga kamay sa kabila ng nakaharang na napakalamig na rehas.

He was caressing my hand as tears kept streaming down his cheeks as well as mine.

"But Zy... Baby, you have to leave this place as soon as possible. Hindi pwedeng walang matitira sa atin. The whole crew has betrayed us. How could this mess receive the justice it deserves if you guys are gone? Walang magpapatunay. No one will stand as a witness aside from the two of you. Kailangan niyong mabuhay. P-Please lang, iwanan niyo na ako at lumayo na kayo dito."

He then closed his eyes tightly. "NGAYON NA!"

Ilang ulit akong nagpapadiyak at naglulumpasay sa harapan niya. Patuloy ako sa paghagulgol at sa pag-iling ng aking ulo. Bakit kailangang mangyari sa amin ito? Bakit kailangang maulit iyong mga panahong nawalay siya sa akin?

Marahas kong pinunas ang luha sa pisngi at puno ng pag-asang sinalubong ang mga mata ng lalaking minamahal ko. I tried to force myself to stay calm.

"N-No, Kiro. We'll not leave you here. Sama-sama tayong babalik, ha? Kiro hindi! Ayoko! A-Ayokong iwan ka dito." Humigpit ang pagkakawak niya sa kamay ko.

Umiiyak kong sinandal ang noo sa bakal, ganoon rin siya. Magkatapat ang mukha naming dalawa habang parehong lumuluha.

"Yeah. We'll get back at land complete, okay? Hahanap ako ng paraan." Balisang sambit ni Traver sa likod ko.

"Wala nang ibang paraan Traver!"

"I will find it, okay?

"Umalis na lang kayo."

Mabilis akong tumango bilang pag-sang ayon sa sinabi ni Traver.

"M-May oras pa, okay? Masisira natin 'to. Masisira na atin ito." pag-kumbinsi ko sa kanila kahit na limang minuto na lamang, tuluyan nang sasabog ang bomba.

Umalis si Kiro sa pagkakasandal at halos magwala na sa loob. "Wake up, Zy! Traver! Wala na! Wala ng oras! Umalis na lang kayo! Pwede ba?! Umalis na kayo!"

"Ano bang pinagsasabi mo!" Halos maputol ang lalamunan ko sa lakas ng pagsigaw. Pinilit kong hinawakan ang kamay niya sa kabila ng nakaharang na bakal.

Tiningnan ko siya ng may pag-asa.

"K-Kiro... we will be having our child, remember? I'm pregnant. I'm three months pregnant. Bakit mo 'ko hinahayaang iwan ka?" Ilang ulit na nabasag ang boses ko.

He looked down my stomach. Lalong namula ang mga mata niya dahil sa mga nagbabadyang luha.

Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa akin at itiniklop ang mga tuhod para matapat sa aking tiyan.

"B-Because that's all I could think would be good for you both." He almost lost his voice.

"That's all you could think would be good for us? Really? She'll grow up without a father. She'll grow up without you guiding her to learn to ride her bike. She'll grow up without her mischievous father. She'll grow up without you. She'll grow up without you, Kiro. H-Hahayaan mo lang ba iyon na mangyari sa anak natin? Hahayaan mo akong palakihin siya nang mag-isa?" Parang pinipihit ang dibdib ko sa tuwing nagbibitaw ng salita.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now