Chapter 16

6.8K 146 24
                                    

Chapter 16

"Kumusta school, Zy?" tanong sa akin ni Traver sa oras na makaayos ako ng upo sa shotgun seat, nilingat ko na ang aking isipan kay Trevor.

"Okay naman po, tito." sagot ko, nakatingin ng diretso sa kalsada. Halos matawa ako nang mula sa rear view mirror, nahuli ko kung papaano nalukot ang mukha niya matapos marinig ang sinabi ko.

"Tito ampucha."

Pinagtaasan ko siya ng kilay at pinihit ang ulo palikod, kita kong umiiling naman si Neil. "So anong gusto mo?" tanong ko kay Traver.

Ngumisi siya ng nakakaloko. "Love, dapat." He winked at me.

"Love your face." Bulong ni Kiro sapat lang para marinig naming tatlo.

Nilingon ko ang dalawang lalaking nasa likuran nang marinig ang napipigil nilang pagtawa matapos ang sinabi ni Kiro.

"Nag-react agad?!" Napatakip si Traver sa bibig niya habang nakatingin kay Kiro, gulat na gulat. Pagkatapos no'n ay yumuko sya para kunin ang isang bottle ng Coca-Cola. Hinarap at tinapat niya sa mukha ko iyon.

"Nakikita mo 'to Zy?" Tinuro niya ang mga nakasulat sa pulang plastic na pumapalibot sa bote.

Tumango ako bago siya sagutin. "Bulag ako kung hindi."

He laughed like crazy. "Anong tawag dito sa mga naka-print na 'to? Sa name ng product, place ng production, infos?" tanong niya ulit.

"Label." I answered.

Kumunot ang noo ko nang makita siyang pinunit ang plastic na nakapulupot doon. Hubad na ang bote. Ngumiti siya at muling tinapat sa mukha ko iyon.

"Anong tawag kapag wala na 'yong plastic na 'yon? Wala na 'yong mga nakasulat pati description niya?"

"Edi walang label."

Tumawa siya ng malakas at siniko si Kiro. "Narinig mo 'yon, dude? Walang label 'yong Coca-Cola kasi tinanggalan ko, 'yong sayo hindi pa nga tinatanggalan, wala na talagang label simula pa lang." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pang-aasar niya kay Kiro.

Bakit niya inaasar na 'walang label' si Kiro? So it means he's already liking someone? And he might have no courage to confess it to the woman he admires because I'm still using him. Gano'n ko na ba talaga siya naaabala? Na... maging ang karapatan niyang pumasok sa isang relasyon, nahahadlangan ko.

"A-Akala ko ba wala pang balak ligawan si Kiro?" Gulong-gulo ako. Nagsisinungaling ba sya sa akin?

"Ha?" I heard Traver's confused voice.

Tumawa si Niel. "Ayan, ha. Ingay mo kasi."

Tiningnan ko si Kiro na siyang nagda-drive. Mahina ko siyang tinapik sa braso nang hindi nya ako sagutin. "Sabihin mo sa akin kapag meron na, ha? Okay lang naman sakin na itigil 'to. Don't hesitate to tell me, baka nasasakal ka na masyado. You are free to fall in love-"

"Wala 'yang nililigawan kaya huwag niyo nang itigil. Wala rin naman syang balak mag-girlfriend kasi sa barko nakalaan 'yong buhay ni Kiro after grad. Mahirap kaya mag-iwan ng minamahal sa lupa." salaysay ni Traver na parang si Kiro lang ang may ganoong plano sa kanilang magkakaibigan.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now