Chapter 21

6.2K 151 7
                                    

Chapter 21

Iniunat ko ang braso at likod nang makaramdam ng pangangalay. Napahalumbaba ako sa lamesa at tamad na tiningnan ang mga mukha ng kaibigan kong nakatingin din sa akin ngayon.

"Legit sinabi niya 'yon sa'yo?!" I nodded nonchalantly to Thalia's question after telling them the things Kiro confessed to me.

Napatakip siya sa kaniyang bibig sa gulat, bakas din sa mata ang tuwa. "Shocks! Sabi ko na nga ba!" Umiling-iling sya.

"E, anong sinagot mo?" tanong ni Jaile.

Matagal akong natahimik habang inaalala ang nangyari matapos akong pagbintangan ni Kiro na nakipagbalikan ako kay Trevor.

"Umalis ako."

Their jaw dropped. "Tangek! Ba't ka umalis? Wala ka talagang sinabi? As in?! Nag-walk out ka lang?" sunod-sunod na tanong ni Thalia.

Inirapan ko siya at matamlay na nagbaba ng tingin. "Oo. Wala akong naisip na sasabihin kaya umalis na lang ako." I lied.

I was deeply shocked at that time, to the point that I have had no words to say and I let him walked out just like that.

He was asking me for his purpose after the planned things and the sham relationship we had.

My heart knocked on my chest uncontrollably. Anong gusto niyang gawin ko? Anong gusto niyang sabihin ko?

At paano niya nasabing makikipagbalikan ako kay Trevor, huh? Dahil ba sa nalaman niyang pinatawad ko na si Trevor at nakita niya ako noong isang araw na angkas ng lalaking iyon?

Hindi muna kami pumasok sa kani-kaniya naming classroom para makapag-bond pa daw kaming apat. Tinungo namin ang Linear Park para bumili ng drinks habang naglalakad-lakad. Nakatingala ako habang pinagmasdan ang kalangitan at dinarama ang malamig na ihip ng hangin.

Isa ito sa mga nagustuhan ko sa University na 'to. Bukod sa quality education, greeny school kasi siya dahil napakaraming puno, parang hindi siya belong sa polluted cities.

"Sandali dito muna tayo! Maghuhubad 'yang mga 'yan pagkatapos kasi magpapalit ng shirt!" Napalingon ako sa paligid nang marinig ang mga usap-usapan mula sa bibig ng mga babae. Nahanap ko ang pinagmulan no'n at nahuli pa ang paghila ng babae sa kasama niya.

Pareho silang nakatingin sa malayo, doon sa field. At parehong kumikinang ang mga mata nila na para bang may nakaka-akit na tanawin doon. Kulang na lang ay tumulo ang laway nila.

"Huwag na! Mag-search ka na lang sa Google, marami naman doon." Her friend suggested.

Hahayaan ko na sana sila para dumiretso ng maglakad pero natigilan dahil sa narinig ko ulit mula sa kanila. "Ayoko! 'Yung kay Celeres gusto ko!" Kumunot ang noo ko at tinignan ang pinapanood niya.

And with that, my lips slightly parted the moment I saw a number of men and women running in the field. Nakasuot sila ng white shorts and shirt. Mukhang kanina pa sila nagtata-takbo paikot dahil pawis na pawis na. Hindi pa ba sapat para sa trainor nila ang laki ng field sa Maritime Academy ng East Edison para gamitin pa nila itong field ng Main?

Nakatanaw lamang ako doon habang pinapakinggan ang usapan ng dalawang babaeng malapit sa'kin. "Tanga! Si Celeres pa talaga, ha?! May girlfriend na 'yan huy!"

"Weh? Sino?" Manghang tanong nito, parang gustong lumipad ng tainga ko papunta sa kanila para lalong marinig ang mga usapan nila.

"Sabi nila, 'yong girl sa Finance daw. Pero sabi naman nila, 'yong blockmate niya daw ngayon. Ang gulo! Pero 'yong Certiza yata? Speaking of Certiza, ayun, oh! Tingnan mo silang dalawa," Nilingon ko ang tinitingnan nilang dalawa at parang may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko habang pinapanood si Kiro at 'yong Naffy na masayang nagku-kuwentuhan habang tumatakbo. Magkapantay silang dalawa sa pila kaya nagagawa nilang mag-usap habang tumatakbo. "Si Certiza nga yata 'yung girlfriend. Past time n'ya lang siguro 'yong girl sa finance. Or baka fake news lang." Muntik nang mag-init ang ulo ko sa huli niyang sinabi.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now