Chapter 41

6.8K 112 2
                                    

Chapter 41

Kanina pa ako palakad-lakad at paikot-ikot sa loob ng cabin habang kinakalikot ang aking kamay. Kinakabahan ako. Hindi ako mapalagay at parang may hindi magandang nangyayari sa barko.

Gusto kong puntahan si Kiro. But I know that my presence will just distract him from his job. The reason why... I just followed his command—to remain inside this place and wait for him until he comes back.

Nagtitiwala ako sa kanya... Alam kong babalikan niya ako dito. Babalikan niya ako.

"Ladies and gentlemen, this is your captain, speaking. Your attention, please." Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ko ang boses ni Kiro.

It's him.

He's the only one who has that cold and sexy voice.

I closed my eyes and listened to his announcement. His voice tamed me quickly.

"We ask that you remain calm and please put on your life jackets. I repeat, all of you, put on your life jackets and now proceed to your muster station located on-"

Just then, napamulat ako. He did not continue the words he would say... dahil ang mga narinig kong kalabog at malalakas na sigawan na ang tumapos dito.

Sa sobrang takot at kaba ay pinili ko nang suwayin ang bilin niya sa akin. Nagmadali akong lumabas pero pagsilip ko sa pinto... Natigilan ako nang masaksihan ang kaliliko lamang na dalawang armadong lalaki. Malalakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko maiwasang hindi mapaatras.

Bringing firearms is prohibited. Especially, when it comes to passengers. But why the hell do they have it? Paano nila nagawang maipuslit ang mga baril na iyon? Napuno ng pangamba ang dibdib ko.

Sa simula pa lang, alam kong hindi na normal ang basta na lang pagtigil ng ferry. There might be a dark reason behind it... And it is not just normal. I feel something strange about them. Hindi sila pwedeng pagkatiwalaan.

Napalunok ako ng madiin.

No. Sana mali ang iniisip ko. Those armed men must be searching for the well-heeled passengers.

And I hope... they'll not touch my husband. Please... not my Kiro. I need him. Not him.

Gayunpaman, ayoko pa ring saktan nila ang kahit sino na sakay nito.

Namayani ang takot sa dibdib ko nang marinig ang mabibigat na yapak ng nalalapit na armadong lalaki. Gulong gulo ako at hindi ko alam kung saan ako magtatago.

Bumalik ako sa silid at pinilit kong lumusot sa ilalim ng kama. Masyadong mababa ito at hindi na ako halos magkasya. Sa kabila ng paghihirap ay mayroon pa ritong nakausling metal na syang dahilan ng mahapding gasgas sa likod ko. My lips were shaking and my eyes were weary.

Hindi ako lumabas sa ilalim ng kama. Naghintay ako ng ilan pang mga minuto para siguruhing hindi na babalik ang mga lalaking iyon. Takot na takot ako na halos magkaihi ako.

"Zy!" Gulat akong napalingon sa pinto matapos marinig ang padabog nitong pagbukas. From there, I saw someone's feet. Pamilyar na pamilyar ang boses niya sa akin kaya nagdali-dali akong lumabas mula sa ilalim ng kama.

Nang magtama ang mga mata namin, kaagad siyang lumapit sa akin.

"Isuot mo 'to!" utos ni Traver. "Tumalon ka na pagkatapos nito! Ako na ang bahala kay Kiro! Nagkita kami! Nag-usap kami! And he told me to keep you safe first. Pupunta ako doon! Tutulungan ko siya!" Ni hindi sya humihinga sa bawat salita.

Gulong gulo ako habang nakatitig sa mukha n'ya. There were bruises on his face. Marks of punches. And even got a combination of black and purple that surrounded his eyes. Pansin kong bago lang iyon dahil nahuhuli ko pa ang pag-ngiwi niya sa tuwing nagsasalita. Humahangos siya at halata ko ang pilit na ngiting nakaukit sa kanyang labi.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now