Chapter 19

6.3K 129 8
                                    

Chapter 19

People say... feelings is like making your first impression on someone. It is where... All of your assumptions about the person are the opposite of them. If you foresee a person being silent, then they might be loud. So if you're going to compare it to love, the more you deny your feelings, the more you fall in love with the person.

Ilang araw na simula nang mag-kita kami ni Kiro. Am I the only one who noticed how he distanced himself from me?

Of course, ako lang naman siguro dahil sarili ko ito. Simula noong huli naming pag-uusap, naging mailap na siya sa akin.

Parang gustong-gusto niyang umalis agad kapag nakikita ako? Na parang... may ginawa akong masama sa kaniya.

He always avoids me without telling me the reason. Nakaka-inis at nakaka-ubos ng pasensya 'yong mga taong ganito. 'Yung wala naman akong ginagawa sa kanila tapos bigla na lang silang iiwas tapos hindi ka na papansinin?

Pero... Hindi ba ito naman ang gusto ko? Ang makita syang lumalayo na sa akin.

"Hay!" Buntong-hininga ko na nagpalingon sa mga kaibigan ko sa akin.

"Grabe makabuntong-hininga, ah? Parang sa'yo nakapasan 'yong napakalaking utang ng Pilipinas. Ikaw magbabayad, girl?" Tinawanan ko ang mapang-akusang tingin ni Jaile.

"Baliw. May iniisip lang ako." Inirapan ko siya.

Nakita ko ang kamay ni Thalia na kumuha sa plastic ng malaking chichirya na nasa gitna ng circular table. "Sino naman 'yang nagpapabuntong-hininga sa'yo? Si Kiro na naman?" She gave me an accusing smile.

Inis akong napanguso. "Hindi, 'no." pagsisinungaling ko.

Sumubo siya ng isang chip at pinagtaasan ako ng kilay, mukhang hindi kombinsido.

"Saan ka galing?" Napalingon ako sa narinig na boses ng pamilyar na babae mula roon sa gilid at nakitang kay Naff iyon nanggaling, may kausap syang lalaking.

Hindi pa man nasisilayan ang mukha ng lalaki, umawang na ang labi ko dahil sa pamilyar na pigura nito sa peripheral vision ko.

"Sa faculty ni Sir Mortel. May pinasa lang." sagot ni Kiro.

Naging balisa ang mukha ng babae at nagmamadali itong tumakbo paalis, nakangiti pa rin.

"Hintayin mo ako rito! Ipapasa ko lang din ito. Sabay na tayong bumalik doon. Ngayon mo ako tuturuan sa navigation, hindi ba?" sunod-sunod na saad niya. Tamad namang tumango si Kiro.

I witnessed how the woman smiled so sweetly at him. Kumaripas iyon agad ng takbo palayo, sabik na maturuan ni Kiro sa asignatura nilang Navigation.

Pinagmasdan ko si Kiro habang may kinakapa siya sa bulsa niya. Nilabas niya ang cellphone mula roon at naglinga-linga sa paligid matapos. When he found nothing at the place, he sighed then stared back at the screen. Dahan-dahang lumabas ang mga ngiti niya at halos mapalitan na no'n ang blankong mukha niya kanina. He's staring at something on his phone which makes his eyes glimmer as if he's in love.

Hindi ko maintindihan at parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.

"Ganiyan 'yong galawan ng mga babaeng nagpapapansin. Kunwari bobo sa isang subject para lang makapag-paturo at makuha 'yong oras ng crush nilang matalino sa subject na 'yon. Kaya minsan parang ang sarap na lang rin maging bobo, e." Thalia said in her usual sweet voice while watching Naff run away.

Napatitig naman si Jaile sa pagta-type sa laptop niya. "Palibhasa ganiyan ka, e. Look, alam na alam mo." She shook her head slowly.

"Tangek hindi, ano! Pero may kilala ako." Ngumuso at umirap siya, mukhang pinagseselosan niya 'yung babaeng 'kilala' raw niya.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now