Chapter 11

6.4K 142 7
                                    

Chapter 11

"Kayo na muna. Ayokong bumaba!" Sigaw ko kina Thalia kaya umalis na silang tatlo para bumili ng tubig.

Nasa loob kami ngayon ng isang blankong room sa building ng accountancy. Vacant namin kaya napadpad kami dito para panoorin si Jaile.

She's currently practicing for her performance which should be conducted every month in their agency. Doon daw kasi nakikita ng trainors nila kung may daily improvements ba o wala.

Kami lang ni Tyron ang natira dito sa loob, seryoso na naman siyang nagbabasa kaya hindi ko siya makausap.

Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag para mag-facebook, ang boring. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mag-scroll hanggang sa magpop-up na lang ang message sa akin ni Kiro.

Captain Kiro: You left your handkerchief yesterday.

Captain Kiro: Where are you?

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko, inaalala kung nadala ko nga ba pauwi ang panyo ko or naiwan ko sa bahay nina Kiro kahapon. Napa-ayos ako ng upo para mag-type ng reply.

Zy Vargas: Nandito pa si me sa accountancy building, second floor sa dulo.

Captain Kiro: I'll go there, I also have something to give you.

My brows slightly rose after reading his message. May ibibigay daw siya sa akin? Ano naman kaya 'yon? Last time, he gave me a dress. Meron na naman ngayon?

Tinago ko na ang phone ko nang hindi na nagreply si Kiro. Tumayo ako at pinaglaruan na lang ang ballpen na hawak ko. Hinahagis ko iyon ng mataas at sinasalo kapag pabagsak na. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa matigil nang maka-shoot iyon sa butas ng kisame.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sariling katangahan. Nakalimutan kong may butas nga pala itong kisame!

I roamed my eyes inside the room to find a chair that I could use to reach the pen on the ceiling. Halos bumagsak ang balikat ko nang wala akong makita.

Walang kahit anong upuan ni lamesa para pagpatungan ko. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Tyron para hiramin sana ang upuan na ginagamit niya pero parang halos pagsukluban ako ng langit at lupa nang makitang sa sahig lamang siya nakaupo habang binabasa ang napaka-kapal niyang libro.

"Tyron!" He looked at me then later raised a brow.

Tinuro ko ang butas na kisame.

"Kunin mo 'yong ballpen ko doon, please?" Pagpapa-awa ko.

Tinapunan niya lang iyon ng tingin at muli na naman niyang binalik ang mga mata niya sa librong hawak niya. Grabe naman 'to! Ayaw pa istorbo?

"Huwag na. Palitan ko na lang." tamad na sabi niya. Agad akong lumapit sa kaniya, lumuhod ako at walang pasabing inagaw ang librong binabasa niya.

"Hindi pwede! May sentimental value 'yon! Bigay sakin 'yon ni Ice, e! Tyron! Dali na! Customized pen 'yon, may name ko pa 'yon para hindi mawala!" Ilang ulit kong hinampas ang hita niya.

Nakatitig lamang siya sa akin habang nagmamaktol ako dito na parang kasalanan pa niya kung bakit napunta doon sa taas ang ballpen ko.

"Oo na." Tamad siyang tumayo at mukhang napilitan lang.

Natawa ako.

Kawawa naman pero okay lang 'yan! Anong purpose ng height niya kung hindi niya gagamitin sa matinong paraan?

Lumapit ako sa kaniya at pinanood siya habang paulit-ulit na tinatalon ang kisame. Napagod na lang siya lahat, hindi niya pa rin nakukuha iyon. Napasapo ako sa ulo ko sa pagkadismaya.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now