Chapter 20

6.6K 118 3
                                    

Chapter 20

"Saan tayo gagawa?" tanong ko sa groupmates ko habang sinusuklay ang mahabang buhok.

"Hindi ko knows, pero kina Zareal yata."

"Buti naman. Huwag sa bahay, ah? Raratratin lang ako ni mama. Bawal maingay doon." pagpa-una ako agad.

They're always loud whenever we're having a group project. Ang boring naman kasi kapag masyado kaming seryoso, kaya naman tapusin kahit na nagkukwentuhan. At iyon ang hindi pwede sa bahay namin.

Lumabas na kami ng classroom, sabay-sabay kami dahil isa lang naman ang pupuntahan namin. Sama-sama na rin siguro kami sa isang jeep kung magkakasya. Paglabas namin, bumili muna kami ng cheese dog dahil kanina pa ako nagugutom. Umupo rin muna kami doon habang kumakain.

Pagkatapos ay nilakad ulit namin ang university at tumigil sa ilalim ng waiting shed. Kumunot ang noo ko nang makitang siyam na lang kami.

"Nasaan na 'yong iba?" tanong ko. We're 20 members in the group, but I only saw 8 people with me right now.

"Umalis saglit sina Hendrix tapos si Naje, may pinuntahan lang." sagot ni Zareal.

"Oo alam ko. I mean... 'Yong iba pa?"

"May lakad kuno, ayun 'di makaka-attend." Bumusangot siya, mukhang hindi naniniwala sa excuses ng mga blockmates naming umuwi agad.

I pouted madly. "Hayaan mo sila, huwag na lang natin isama. Kaya kapag naghanap sila ng grade nila, sabihin nating may lakad rin." Tumawa lang si Zareal at hindi na nagsalita pa hanggang sa dumating na sina Naje kasama ang tatlo pang lalaking blockmates ko na sakay ng motor.

"Magmo-motor na lang tayo papunta sa bahay. Tutal apat naman 'yong lalaking may motor sa'tin, tig-dalawang angkas lang." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Zareal.

Tig-dadalawang angkas lang? E, siyam kaming dapat iangkas. Hindi pwedeng may mag-tatlo dahil baka mahuli kami. Hindi rin namang pwedeng maiwan 'yong isa kasi lalo kaming matatagalan.

Panira naman! Bakit kasi hindi na lang kami mag-jeep para magkasya kaming lahat? Pero maganda na rin sana ito dahil tipid sa pamasahe.

"Riva rito ka sakin." Pakinig ko ang boses ni Naje. Tiningnan ko ang babaeng tinawag niya at ngiting-ngiti naman ang gaga. Nagsimula na tuloy silang asarin dalawa.

"Angkas ka sakin Sharlyne." Jerobe insisted.

Napataas na tuloy ako ng kilay. Nakakahalata na ako, ha? Bakit 'yung mga girlfriend lang nila ang niyaya nitong mga ito?

"Ay hala! Hoy! I-angkas niyo si Zy!" Nabalik ako sa huwisyo nang sumigaw si Riva. Isa-isa ko silang tinignan at lahat silang apat ay may angkas ng dalawa. Nagtatawanan pa ang mga loko-loko! Ako lang ang wala!

Pabiro ko silang inirapan. "Nakakasama ng loob, ha."

"Dito ka muna tapos babalikan kita." Ani Hendrix.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko. "Bwisit talaga kayo, 'no? So ako pala 'yong ipapaiwan niyo?! Ako pa talaga, ha?!"

Hendrix laughed. "We have no choice. Naka-sakay na sila." He then motioned his head to the people who're already riding the motorcycles, and it seemed like they're ready to arrive, and they have no plans to hop out of it makaupo lang ako.

"Nakakapanghina." bulong ko sa sarili habang pinapanood sila.

This is what I hated when we got into this situation. Libre na nga sana transpo dahil may motor ang mga blockmates ko. But what keeps me upset is... iyong i-aangkas lang nila ay ang mga girlfriend or nililigawan nila! Someone who's more important to them.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now