Chapter 13

5.9K 133 10
                                    

Chapter 13

"Zy ... Tayo na lang kasi ulit." Trevor said, obsessively.

I looked down, hindi pinapansin ang panibagong ingay na parang nagmumula sa mga nagkakagulo sa paligid ko.

I can't believe Trevor's words.

He wants me back while he's continuing to ruin his image to me.

Nakakainis.

Nakakainis.

Kahit kailan... Problema talaga ang hayop na lalaki na 'to.

Nagulat na lang ako nang biglang may sumipa sa tiyan ni Trevor. Tumalsik ito ng malakas sa sahig. Nakita kong lukot na ang mukha nito habang sapo-sapo ang kumikirot niyang tiyan.

"Tangina mo! Bastos!" Malakas na sigaw ng pamilyar na boses ng lalaking sumipa sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag, boses niya palang alam ko na.

Ramdam ko ang paghawak niya sakin sa magkabilang balikat ko. "Okay ka lang, ate?" Mahinang tanong nito malapit sa tainga ko para hindi marinig ni Trevor.

Tango lang ang naisagot ko sa kapatid ko. May nilagay siyang coat sa balikat ko sabay pulupot ng braso niya sakin pagkatapos.

Nang tumalikod kami, muling nagtama ang mga mata namin ni Kiro. I feel nothing but pain and disappointment towards him. Parang may kung anong mainit na nabubuo sa dibdib ko at parang gusto kong sumabog.

I mouthed "salamat, ha?" sarcastically and laughed sardonically.

His face panicked.

Nang maramdaman kong ihahakbang niya ang kaniyang paa patungo sa amin ng kapatid ko, inirapan ko siya. I asked Ice to take me out of the venue, immediately.

I sighed heavily after realizing everything. Does helping another woman make him less of a suitor?

"Pansin ko lang, hindi na kayo nag-uusap ni Kiro, ah?"

Napahinto ako sa pag-type sa laptop ko nang marinig ang tanong ni Jaile. Ilang linggo na ang lumipas simula noong gabing iyon. Nagkakasalubong ang landas namin ni Kiro dito sa university pero hindi ko na siya nilalapitan, hindi na tulad noon.

I hate the fact that he didn't even help me when I was in need. Paano na lang kung na-rape ako? Paano na lang kung hindi dumating ang kapatid ko? Kung galit nga talaga siya sa'kin... Hindi niya ba kayang isantabi muna ang galit niya at tulungan muna ako?

"Hayaan niyo siya." I said carelessly.

Ramdam ko ang paglapit ni Jaile sa akin. "Ay wow! Bakit? Chika naman diyan. Imposibleng unreasonable 'yong biglang hindi niyo pagpansinan." Napairap ako. Chismosa talaga 'to kahit kailan.

Hindi ko na sana siya papansinin at nag-focus na lang sa ginagawa ko nang si Thalia naman ang magsalita. Naghalumbaba siya sa concrete table at tumingin sa akin ng diretso. "I'm with Jaile! Kwento ka naman, Zy! Kinukuwento ko nga 'yong lovelife ko sa'yo, e! Be fair!" Ghad! Nangonsensya pa nga!

"Huwag niyo nang alamin." Padabog akong napayuko sa lamesa.

"Bakit? May na-fall na ba sa inyong dalawa?" Napa-ayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Thalia.

"Anong na-fall? Walang na-fall, 'no!" Asik ko. Lahat siguro ng inaakala nilang rason, walang tumama kahit isa.

I caught Jaile biting the inside of her cheek to restrain herself from laughing. "Talaga? Akala ko may na-fall na kaya kayo nag-iwasan dalawa, e!" Nangingiting sambit niya.

"Oo! 'Yun 'yong hinihintay ko, e! Falling game kaya 'yong pinasok niyo. Isipin mo 'yong magpapanggap kayong mag-jowa. Halos 2 months 'yon kaya imposibleng walang namuong feelings." Napangiwi ako sa inusal ni Thalia.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now