Chapter 04

7.6K 154 32
                                    

Chapter 04

Saglit lang ang biyahe, hindi rin traffic kaya nakarating din kami agad sa bahay ng kakilala. Tumuloy kami sa pagpasok at si Lennox agad ang bumungad sa amin.

"Oh, Zy! Glad you come!" Bati sa 'kin ni Lennox pagpasok namin at lumilingon sa likuran ko. I bit my lower lip a bit to stifle a smile, so he was really expecting someone to come with us today, huh?

"Sorry but Akali's busy." I teased.

We laughed to ease the awkward atmosphere. Napakamot siya sa tungki ng ilong niya. "Busy with?" nahihiyang tanong niya.

"She's always busy with her books."

Naupo ako sa two-seater couch na nasa harapan ng upuan ni Jaile. Nilibot ko ang paningin sa loob ng silid, marami rin palang pumunta, halos karamihan ay pamilyar sa akin. Kung hindi ko classmates noong high school, 'yong iba naman ay school mates lang.

Tandang-tanda ko pa rin ang mga pagmumukha nila pati na ang mga pangalan nila kaya bilib din talaga ako sa talas ng memorya ko.

Lahat naman ng narito ay puro sa Loriqson High nag-aral noon.

"Walang alak?" Natatawang tanong ko nang mapansing soft drinks lang ang inumin na nasa ibabaw ng mesa. Himala yata 'to sa kanila.

"Out muna sa alak ngayon. Baka raw may mabuntis." sagot sa 'kin ni Rhaiden.

I uttered a curse which made him laugh.

"Biro lang syempre! Nagbabagong-buhay na kami, 'no!" proud na sabi niya.

"Talaga lang, ha? Baka naman ngayon lang 'yan?"

Nagsalin siya ng soft drinks sa baso niya. He raised his glass to have a tossed with me. "Soft drinks lang daw sabi ni lola!" saad niya at diretsong nilagok ang laman ng baso niya.

Naupo kaming lahat sa sahig para maglaro ng uno na madalas naming ginagawa noong high school sa room sa tuwing vacant. Nakapa-bilog kami para maayos ang maging flow ng kuhaan ng cards. We are currently looking seriously straight into everyone's eyes with a smirk plastered on each other's faces, seems like it is a prestigious game at all.

Magsisimula na sanang i-distribute ang cards nang matigil dahil biglang may lalaking nagsusumigaw na dumating!

"Sabi ko sa 'yo hahabol ako, e!" Pakinig ko ang malakas na pagsigaw nito. Nakangiti itong nilingon ni Lennox at dali-daling tumayo para puntahan 'yong lalaking kakapasok lang. Tinungo ko ang mata ko sa kanila.

"Traver! Dude!" Lennox greeted him then they did the fist bump.

Umakbay si Traver sa balikat ni Lennox at sabay silang naglakad pabalik sa puwesto namin. Ibabalik ko na sana ang tingin sa cards na nasa sahig nang mapansin ang tatlo pang lalaking papasok. Napa-ayos agad ako ng upo at pasimpleng inayos ang buhok ko nang mamataan ko iyong lalaking may abong buhok.

"You are already beautiful. 'Di mo na kailangan magpaganda para ma-impress si Kiro."

"Hindi ko siya pinapagandahan! Nag-ayos lang ng buhok para sa kanya na agad? Hindi pwedeng para sa sarili?" I said insincerely.

Tumawa siya at parang ayaw niya talagang maniwala sa 'kin!

"Kilala kita kapag type mo 'yung kaharap mo." Tinapik nya ang balikat ko. "Okay lang talaga, Zy. Deny lang ng feelings now, in love na later."

My eyes were popping out after hearing her words. "Wala kong dini-deny na feelings."

Parehong-pareho sila ni Ice.

"Your mouth lies but your actions say otherwise." She pouted to tease me more. Hindi ko na lang siya pinatulan dahil alam kong lalakas lang ang boses niya kapag humaba pa ang pagtatalo namin at baka marinig pa nila 'yon, nakakatakot na.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now