Chapter 02

8.9K 163 32
                                    

Chapter 02

Ilang oras na kaming nakatayo at naghintay, nagkaligaw-ligaw pa kami ng building na dapat puntahan. Dapat pala ay nagdala kami ng map! Nakakaligaw 'tong school na 'to!

Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas-onse pa lamang. Napabuntong-hininga ako.

"Fuck. Alas-dos pa raw tayo." usal ko habang nakatutok ang mini fan sa mukha.

"Let's eat na muna!" Nakangusong sabi ni Thalia, nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan.

"Tara! Me is hungry na rin." Si Jaile sabay patong ng baba niya sa aking balikat, mukhang pagod na.

Sabay-sabay kaming naglakad-lakad para maghanap ng mabibilhan ng pagkain. Pumagitna ako nang mamataan ko 'yung lalaking nahila ko kanina pati 'yung mga kasama niya na nasa gilid ng kalsadang dinaanan namin. Bahagya akong nagtago sa gilid ni Jaile.

Napakapit ako sa string ng bag ko ng sobrang higpit at napapikit ng madiin habang mahinang binubulong sa sarili na sana limot na nila ang pangyayari kanina.

I just wish they wouldn't see me. Or else ... I would rather die.

Nakahinga rin ako ng maluwag dahil nang nakalagpas na kami sa mga lalaking iyon, wala naman akong narinig na kahit anong pang-aasar mula sa kanila.

Walang lumingon sa kanila.

Lalo na ang lalaking may kulay abong buhok na nahila ko kanina.

I couldn't understand the feeling that rose in me.

How I hate assuming things.

Pagkatapos naming bumili, pumasok kami sa eternity garden para doon kumain. Nakahanap agad kami ng mauupuan. No one of us utters any word at parang kanina pa gutom dahil lahat ng atensyon nila ay nasa pagkaing nasa harapan namin.

Akmang isusubo ko na ang kutsara ko nang matigil dahil sa narinig na malalakas na boses ng mga lalaki habang nagku-kuwentuhan.

Those voices are teasing each other.

Ang lakas ng boses nila na akala mo ay sila ang may-ari ng garden na 'to!

Masungit kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at una ko pang natanaw iyong lalaking may kulay abong buhok na nahila ko kanina!

Binilisan ko ang pagkain ko para matapos na 'ko agad.

Kahit na gustong-gusto ko nang umalis, hindi ko naman magawa dahil hinihintay pa namin si Thalia at Akali.

Ang bagal nilang kumain!

My forehead creased while watching Jaile move towards me. Napaka lapit niya sa akin kaya umayos ako ng upo dahil parang may sasabihin siya.

"Tingnan mo 'yung lalaking nasa kabilang table. Crush ko 'yung naka-white shirt." bulong niya.

Nilingon ko ang table na tinutukoy niya at nakita ang apat na lalaking puro naka-white! Kasama pa roon 'yung lalaking nahila ko kanina.

"So crush mo lahat iyan? Lahat iyan naka-white, e!"

Humalakhak siya na para bang wala ng bukas.

"Tangek! 'Yung may silver wrist watch! 'Yung gray ang buhok."

Hinampas ko agad sya dahil sinigaw nya ang sinabi nya!

Shit.

Nakakahiya talaga 'to kasama! Hindi marunong manahimik!

"Tanga huwag ka ngang maingay!" Gigil na bulong ko sa kanya at pagkatapos ay hinanap ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mata ko matapos mapagtantong iyon ang lalaking nahatak at naka-away ko!

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now