Chapter 33

6.7K 119 13
                                    

Chapter 33

"Mukhang maganda ang umaga natin, ha? Ayos ka na, hija?" tanong sa akin ni nanang, ang nanay-nanayan namin sa opisina, pagpasok ko sa department.

Siya ang pinakamatanda sa amin sa Finance, kaya siya ang palaging nag-aalala sa tuwing may hindi inaasahang mangyayari sa amin. Nabalitaan niya siguro na nawalan ako.

Huminto ako sa tapat niya at ngumiti. "Ayos naman po ako, nay."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Hay! Basta kung kailangan mo ng kasama... Puntahan mo 'ko sa bahay, ah? Magbakasyon ka kung gusto mo. Kaso naroon ang makukulit kong mga apo!" Pareho kaming natawa.

"Ayos lang po sa akin iyon, nay. Gagawin ko po iyan." Niyakap ko siya pabalik.

Naglakad na ako papunta sa cubicle ko. Pagpasok ko, may nakita akong isang itlog na stuff toy at gatas. Naguguluhan akong luminga-linga, napansin siguro ako ni Dave dahil napalingon siya sa akin.

Ngumiti siya sa akin na may halong pang-aakusa.

"Hay! Sana all may itlog tapos gatas! Masarap 'yan." nagtaas-baba siya ng kilay.

Kunot ang noo ko. "Kanino 'to?"

"Sa'yo malamang."

"I mean... kanina galing ito?" tanong ko. Bakit at sino naman ang magpapadala sa akin ng stuff toy na itlog at gatas na inumin?

"Mukha bang alam namin 'yong secret admirer mo? Ang special mo nga, e. Gatas tapos itlog. Ang laki na pero gatas pa rin." May laman ang sinabi niya.

"Hindi kasi ako nagka-kape," depensa ko. May duda akong kilala ako ng nagbigay nito. As in. Kilalang-kilala.

"Wews. Pwede namang chocolate drink, ah? Juice ganon?" Tumawa siya para mang-asar. "Kakaiba ang admirer natin." Umiling-iling siya.

Hindi ko na lang pinansin pa si Dave at tinignan ang sulat na nakalakip sa mga bagay na iyon.

Mahina ko iyong binasa.

"Hi Miss, Horny! To match your taste, I have these for you. Enjoy my soft egg and delicious milk. I hope you like it. Have a great day." My jaw literally dropped after reading the message.

Nalukot ko iyon dahil sa mapang-asar na sulat. Hindi pa man siya nagpapakilala ay tingin ko alam ko na kung kanino nanggaling ang mga ito.

Sana raw ay magustuhan ko ang itlog at gatas niya. Baliw! Sino ang magkakaroon ng matino at malinis na utak matapos nitong pinagsusulat niya?

Ever since my brother and mother passed away, I had nothing to do but drown myself in too much work. Gusto ko ng napakaraming trabaho. Ayaw kong nagkakaroon ako ng free time. Nag-apply rin akong call-center gabi-gabi para sa tuwing sisilip ang buwan, may pinagkakaabalahan ako.

Masyadong nakakalungkot ang buhay. Kung hindi ko uunahin ang sarili... Kung magpapakalunod ako sa lungkot... Ano na lang ang mangyayari sa akin?

I have no choice but to move forward. No matter how shattered my life is... Magpapatuloy ako. Kahit na wala ng umaasa sa perang kikitain ko, magpapatuloy ako. Dahil iyon na lang ang choice, e. Ang magpatuloy.

Halos dalawang buwan din akong nag-trabaho as a call center agent. Kapag gabi, kausap ko ang mga dayuhan, sa tuwing umaga naman, wala akong ibang ginawa kundi ang makipag-usap sa mga kalahi at ang kunin ang ipinapadala sa akin na itlog at gatas ni Kiro araw-araw.

Nakabalik na sya ng Pilipinas.

At hindi ko alam kung nag-pa-plano ba syang sumampa ulit sa barko since hindi pa naman kami nagkikita, miski ang magka-usap. Palagi akong nakaka-received ng egg stuff toys, gatas, flowers mula sa kanya. May kalakip din iyong lagi na sulat.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat