Chapter 10

7K 147 21
                                    

Chapter 10

I dried up my hair with a white towel after taking a bath. It's Sunday today, so I have nothing to do except rest.

I would sleep the whole day! Wala na rin akong activities dahil maaga kong natapos lahat. I was about to open my closet when I suddenly heard my phone's sound.

I walked towards the table to get my phone on top of it. Kinuha ko iyon at nakitang galing iyon sa Telegram. I viewed the message in it and saw Kiro's message to me.

Captain Kiro: Are you busy?

Kumunot pa ang noo ko pero agad rin akong nag-type ng reply.

Zy Vargas: hindi naman, bakit?

Captain Kiro: Samahan mo 'ko.

Zy Vargas: saan?

Captain Kiro: I'm with my niece, my cousin left her with me for a while.

Captain Kiro: Umiiyak kasi siya sa bahay.

Natawa ako sa reply ni Kiro. Babysitter pala siya ngayon.

Zy Vargas: baka naman inaway mo kaya umiiyak?

Captain Kiro: Hindi ako nagpapaiyak ng bata.

Zy Vargas: matanda lang gano'n?

Captain Kiro: Just agree, susunduin kita.

Zy Vargas: oo na! gagawin mo lang akong nanay ng pamangkin mo, e

Captain Kiro: Bakit ko naman gagawin 'yon sayo?

Zy Vargas: bakit hindi?

Captain Kiro: Nanay ng anak ko pwede pa.

Natawa ako sa reply niya. Naalala kong hindi pa nga pala ako bihis kaya tinungo ko ang closet ko para maghanap ng susuotin ko ngayong araw. Mabuti na lang at nag message agad si Kiro bago pa man ako makatulog.

Nang matapos magbihis, kinuha ko ulit ang phone ko para replayan ang sinabi ni Kiro pero natawa na lang ako nang makitang deleted na ang last message niya.

Zy Vargas: ba't nawala 'yong 'nanay ng anak ko pwede pa'?

Siya naman ngayon ang natagalan magreply! Gumaganti yata 'to! E, nagbihis lang naman ako, para sa kaniya rin naman 'yon dahil ika nga niya, susunduin niya ako. Nakita kong na-seen na niya iyon dahil dalawa na ang nakalagay na maliit na green check sa lower right part ng chat ko.

Captain Kiro: You'd just seen it.

Tumawa na naman ako. Si-neen ko lang daw tapos hindi ako nag-reply agad? Gano'n ba 'yong ibig-sabihin nito?

Zy Vargas: ah so bawal kang i-seen?

Captain Kiro: omw @unionvillage

Nagulat pa ako sa reply niya. Ang bilis naman nito! Hindi pa nga ako nakakapag makeover papunta na agad siya sa village namin! Nagda-drive pa siguro 'to habang ka-chat ako! Gago! Mamaya maaksidente pa sila, e. Mandadamay pa siya. Buti sana kung siya lang 'yong maaksidente, e may kasama siyang bata! Charot! Mahal ko naman si Kiro 'no! As a friend.

Lumabas na ako sa bahay para doon na mag-abang sa tapat ng gate. Hindi pa naman nakakarating si Kiro sa bahay namin kaya alam kong hindi niya alam ang exact address ko, ang alam niya lang, nakatira ako sa Union Village dahil malapit sa University at same location ng bahay ng tita niya.

Nang marating ang gate, sumilong muna ako sa waiting-shed habang hinihintay si Kiro. Hindi rin naman ako inabot ng napakatagal sa paghihintay dahil dumating naman agad sila.

Bumaba si Kiro sa puti niyang Lexus niya at umikot sa harapan para puntahan ang gawi ko. He was wearing a maroon polo while the three buttons of it are open exposing his chest. May nakasabit pa na black shades doon. Muntik pa akong mapalunok habang pasimpleng nakatingin sa dibdib niya. Ang sexy talaga nito.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now