Chapter 36

6.8K 122 3
                                    

Chapter 36

"'Yun, oh! Akala ko hindi na darating, e!" bibong bungad sa akin ni Traver pagdating ko.

I looked into everybody's eyes. Here's Niel, Rein, Kiro, and… Naffy? Yeah, she's Naffy.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya para pigilin ang kung anong tensyon na umuusbong sa tuwing nagkakatinginan kaming dalawa. Tama ba ang desisyon kong sumama pa sa outing na ito?

Inalis ko ang shades na suot at sinabit sa red short sleeve dress shirt ko.

"A group of seafarer... Ako lang pala 'yung outsider dito." sabi ko, nahuli ko pa ang pagtaas ng kilay ni Rein.

I felt so alone.

"Let's go na! Kumpleto na tayo," Tinakbo ni Naffy ang shotgun seat. Pinanood ko muna sila hanggang sa makapasok para kung saang pwesto ang matira, roon na lang siguro ako.

Magkatabi si Rein at Niel sa gitna. Habang ang nasa harapan naman ay si Naffy at ang nalalapit nang maupo sa driver's seat na si Traver.

Pumasok ako at naupo sa likod. May space pa sa gilid ko, mukhang alam ko na kung sino ang katabi ko sa buong biyahe.

"Akala ko ba si Kiro ang magda-drive?" Rinig ko mula rito sa dulo ang reklamo ni Naffy.

"Saan ka ba nanood ng balita? Fake news 'yan." si Traver at nag seatbelt. Tumingin sa likod si Naff, sa direksyon namin, at sakto namang naupo si Kiro sa tabi ko.

Huli ko ang dumaang disappointment sa mata niya.

Nilabas ko ang phone sa bag nang mag-vibrate iyon. I pressed the side button of it and was greeted by Thalia's message.

Thalia Aviatrix: hoy! asan ka? nandito ako sa condo mo, ba't wala ka?

Nag-type ako ng reply.

Zy Vargas: nakidnap yata ako? tapos sumama ako ng kusa. bibigyan daw ako ng 15 billion, e. gora na, sayang naman. one-night lang naman daw ;)

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagtawa. Tinago ko rin ng bahagya ang phone na hawak para hindi mabasa ni Kiro ang pinagsasabi ko.

Thalia Aviatrix: krazyyy! asan ka nga?!

Zy Vargas: outing. ano ba kasi 'yon? ba't nandiyan ka?

Thalia Aviatrix: may sasabihin ako!

Napagod na akong mag-type kaya sinabihan ko siyang pagdating ko, saka kami mag-uusap at tinago ko na ang phone ko. Napatakip ako sa bibig para humikab. Ang aga kong nagising kanina... inantok tuloy ako ngayon.

"You can take a nap. Malayo-layo pa naman tayo." sabi ni Kiro.

Nilingon ko siya. "Saan pala tayo?" I asked, he's watching every move of my mouth as I muttered those.

"Bataan." He replied.

Hindi ko siya sinagot at sinunod ko pa rin ang sinabi niya kanina. I leaned on the headrest and closed my eyes to sleep. 

Ten minutes later, I was not completely asleep, but I could feel someone carefully placing a cervical pillow under my head. I remained unmoved. Hindi man siya nakikita ay alam ko kung sino siya. 

Naidlip ako hanggang sa marating na namin ang isang resort sa Bataan.

Binasa ko ang pangalan sa malaking tarpaulin na makikita sa loob. "Arc Fort Resort..." Naitaas ko ang isang kilay. It has the same meaning as my name. Irithel in Turkey means strong bow, as does the French word Arc Fort. Nito ko lang rin nalaman. Out of boredom, siguro, kaya pati pangalan ko ay sin-earch ko na rin sa Google.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now