Chapter 31

6.8K 128 25
                                    

Chapter 31

"Ate! 'Yung pusa!" Halos humiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa sa sobrang gulat matapos ang napakalakas na sigaw ni Ice.

Inis ko siyang nilingon. "Ano?!"

Inosente niyang tinuro ang pusang nasa tapat ng pinto namin.

"'Yung pusa. Pinagpapawisan." Humalakhak siya ng malakas.

Wala kaming alagang hayop, baka pagmamay-ari lang ng kapit-bahay namin iyon. At imposible ring pawisan ang pusa.

Umiling ako at inirapan siya. "Para kang ewan." I hissed while watching him laugh.

Ibabalik ko na sana ang mga mata sa laptop ko pero tila napako na yata ang mga mata ko kay Ice na siyang kasalukuyang lumuluha ngayon sa kakatawa.

Ngumiti ako pero may umusbong na lungkot sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang sarili. Habang pinapakatitigan siya... umuusbong ang malawak ngunit malungkot na ngiti sa aking labi. Hanggang sa... Namalayan ko na lamang ang sariling lumuluha habang pinapanood siya. Kaagad siyang natigilan nang makita ako, gulat pa ang mga mata.

"Oh? Ate, ba't umiiyak ka?" Lumapit siya sa akin. Umiling ako at pinahid ang luha pero hindi iyon matigil sa pag-agos.

"Hindi ko rin alam." Tumawa ako.

"Ate, ba't umiiyak ka?"

"Wala lang 'to." sagot ko kahit na walang-tigil sa panunubig ang mga mata. Nakaramdam ako ng takot nang hinawakan ni Ice ang kamay ko at pilit niya iyong hinihigpitan.

Ramdam ko ang panghihina niya roon, pero hindi ko bakas sa mga mata niya. 'Yung pagkakahawak niya sa kamay ko... parang nangyari na sa akin. Parang naramdaman ko na.

Nagtataka ang mga mata kong tumingin sa kaniya.

"Huwag ka nang iiyak, ate. Ang pangit mo na, oh. Kaya hindi ka nabibiktima ng glow-up e, puro ka kasi sama ng loob. Sige ka, hindi ka na magugustuhan ni kuya Erol niyan, lalo na si kuya Kiro. Hindi talaga bagay sa'yo ang umiiyak. Hindi nakakaganda." pagpapa-alala niya at tumawa ng mahina.

May kinuha siyang pulang panyo sa bulsa niya. Inirolyo niya iyon at ginamit na pang-takip sa mga mata niya. Ngumiti siya sa akin.

"Ayan, ayoko kasing nakikita kang umiiyak, e. Ako nalang ang nag-adjust. Huwag ka lang hagulhol, ah? Baka sa susunod... hilingin kong tanggalan nalang ako ng pandinig, kasi... ayokong naririnig kang umiiyak ate, e. Ang sakit dito." Tinuro niya ang kanyang dibdib.

Matapos iyon, napuno ng luha ko ang aking mga mata. My sight went blurry with tears as my younger brother completely vanished from my eyes.

"ICE!"

Humahangos at naghaharumentado akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kama. Kaagad akong napatakip sa bibig matapos mapagtanto ang lahat.

Fuck. It was a dream.

It was only a dream! Why was it just a dream? Napatakip ako sa bibig at napahagulgol.

I can still hear Ice' voice.

I can still feel his hand pressing against mine. I can still hear his laugh and his teasing words. I can still see his image in my mind. But I can't feel him beside me. I can't feel him with me.

Tumayo ako at iniwan ang kama. Binalak kong lumabas dahil malulungkot lamang ako kapag nanatili akong mag-isa sa loob ng condo.

Alam kong hindi masama ang magluksa. But... What else can I do? If I'll stuck myself inside the darkness then what will happen to me? What chapter of my life will start if I'm not there to turn the page of it?

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now