Chapter 48.

10.9K 278 3
                                    

Chapter 48.

Laarni's POV

Nakatayo kaming dalawa sa harap ng isang puntod. Tahimik lang si Abrylle habang nakatingin sa puntod sa harapan namin. Pinagmasdan ko rin ang puntod sa harap ko. Binasa ko ang pangalan.

"Celeste De Mesa..." Banggit ko sa pangalan na nakasulat sa puntod.

"Siya ang Mama mo Laarni." Napatingin naman ako kay Abrylle nang magsalita siya. Bakas sa mukha ko ang gulat ngunit bumuhos ang luha sa aking mga mata. Pinunasan ko ang luha ko at muling tiningnan ang puntod.

Siya ang tunay kong Mama, narito siya ngayon sa harap ko. Hindi ko man siya nahahagkan ngayon ramdam kong nakayakap siya sa akin. Sayang nga lang dahil hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magkita.

"Sana mapatawad mo siya kung binigay ka niya sa mga katulong noon. Sana maunawaan siya Laarni." Saad muli ni Abrylle.

Napaisip ako sa sinabi niya. Kung tutuusin, wala akong sama ng loob sa kanya, lalo pa't yumao na siya. Nanghihinayang lang akong hindi ko man lang siya nakita noong nabubuhay pa siya. Hindi ko man lang siya nakayakap o nakausap. Hindi ko man lang narinig ang boses niya. Hindi ako galit sa kanya dahil hindi ko naman naramdaman ang mawalan ng isang ina dahil napunan iyon ni Mama. Sana nga lang nakilala ko siya nang mas maaga.

"Alam mo, mabait ang Mama mo Arni, maganda siya, masayahin, may takot sa Diyos at higit sa lahat...mapagmahal." Tumingin ako kay Abrylle at nagbanggan ang tingin namin nang nakatingin din siya sa akin. "Hindi niya pinamukha sa akin na isa akong ampon hanggan sa huling oras ng buhay niya." Aniya at biglang lumuha. "Maraming salamat sa Mama mo Arni." Naiyak na rin ako dahil sa pagluha ni Abrylle.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit nagyeyelo ang puso niya. Kung bakit malamig ang pakikitungo niya sa ibang tao. Pinipilit niyang maging matatag sa kabila ng mga karanasan niya. Pinipilit niyang maging matapat sa kabila ng mga kinatatakutan niya. Nais niya lang na muling mahalin, ang maramdamang may nagpapahalaga sa kanya.

Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad palabas ng seminteryo. Tahimik pa rin siya at halatang malungkot. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya.

"Huwag ka ng malungkot, sige ka malulungkot si Mama kapag ganyan ka." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Alam mo Abrylle, baka nangyayari ang lahat ng ito dahil may dahilan. At ang dahilang iyon ay ito."

Kinuha ko ang kanang kamay niya at inilagay sa kanang parte ng dibdib ko. Ganoon din ang ginawa ko, inilagay ko ang kanang kamay ko sa kanang dibdib niya. "Hindi ko alam pero ang alam ko, sinusunod ko lang ang sinasabi ng puso ko kung saan man niya ako gusto dalhin. At nangyayari ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal." Ani ko at ngumiti sa kanya.

Bigla naman niya akong niyakap. Napangiti na lang ako at gumanti ng yakap sa kanya.

"Salamat, Arni." Aniya.

Pagtapos naming pumunta sa seminteryo ay nagpunta kami sa isang villa sa Tanay. Malayo na rin ang biniyahe namin mula sa seminteryo kanina. Wala rin gaanong bahay at liblib ang lugar na ito. Mabundok at malamig ang simoy ng hangin.

Pagpasok namin sa villa bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Agad koi tong tiningnan at si Leicy ang tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag.

"Hello Arni?"

"Oh Leicy kamusta na kayo?" Tanong ko.

"Arnibabes sinasaktan ako ni Leicy my loves!" Narinig kong sigaw ni Lexter sa kabilang linya.

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now