Chapter 50.

14.6K 287 22
                                    

Chapter 50.

Abrylle's POV

Matapos naming maglaro ng patintero, hinila ko siya palayo sa iba naming kasama. Gusto kong magkaroon kami ng oras, na kaming dalawa lang ang magkasama. Gusto kong iparamdam kung gaano siya kahalaga sa akin. Kung gaano ko siya kamahal.

"Abrylle, saan ba tayo pupunta?" Tanong niya habang naglalakad kami. Hawak hawak ko ang kamay niya. Tiningnan ko siya at isang ngiti lang ang sinagot ko. Nakita ko pa ang pagtataka sa mukha niya pero ngumiti na lang din siya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Sa paglalakad namin, huminto kami nang makarating kami sa pinaka-taas ng bundok. Pagdating namin, naupo kaming dalawa at pinagmasdan ang kitang-kitang mga ilaw mula sa syudad. Tahimik lang kaming dalawa habang pinapanuod ang magagandang kislap ng ilaw. Palubog na ang araw kaya unti-unti namin mas nakikita ang mga ilaw.

"Abrylle, may problema ba?" Bigla akong napalingon nang marinig ko ang sinabi niya. Pagtingin ko sa kanya, kita ko ang kaba at takot sa mukha niya. Natahimik lang ako habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Abrylle, bakit pakiramdam ko, may mangyayaring hindi maganda?" Muling tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin. Huminga muna ako ng malalim at muli siyang tiningnan habang masayang nakangiti.

"Wala, walang problema." Pilit man, ay siniglahan ko ang sarili ko sa harap niya. Nakita kong nakahinga siya ng maluwag at saka ngumiti. Napangiti rin ako habang nakatingin sa maganda niyang ngiti. Pero sa likod ng isip ko, naiinis ako't naguguluhan.

Laarni, patawad...

Ilang sandali lang bumalik na rin kaming dalawa sa villa pero nagtaka kami nang may nakita kaming dalawang itim na van sa harap ng villa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Laarni at mabilis na tumakbo papasok ng villa.

"Lexter!" Sigaw ni Laarni pagpasok pero sabay kaming natahimik at nagulat sa nakita namin. "Ikaw?" Mahina niyang sabi nang makita niya si Andrew kasama sina Tito Lourd at ang Mama ni Courtney. May mga kasama rin silang body guards na hindi lalagpas sa sampo ang dami.

Napayuko ako. Kasalanan ko ito.

"I hate you! I hate all of you!" Sigaw ni Courtney habang umiiyak. Napatingin naman ako sa gawi ni Jerod at nabigla ako sa nakita ko.Wala itong malay at puno ng pasa ang kanyang mukha. Panay naman ang iyak ni Courtney habang nakaupo at napapaligiran ng mga bodyguards ng Mommy niya.

Hinanap ko naman si Lexter. Tulala lang siya habang si Leicy naman ay umiiyak lang habang nakaupo sa sahig. Anong nangyari?

"Leicy!" Sigaw ni Laarni palapit kay Leicy pero bigla siyang hinarangan ng isang body guards at hinawakan sa braso. "Bitawan mo ako!" Sigaw niya.

Tumakbo ako papunta sa kanya at sinapak ang body guard na humawak sa kanya saka siya hinila palayo rito. Pagkahila ko kay Laarni ay pinaligiran naman ako ng dalawa pang body guards at hinila si Laarni palayo sa akin.

"Laarni!" Sigaw ko pero napaluhod ako nang sikmuraan ako ng isang body guard.

"Abrylle!" Rinig kong sigaw ni Laarni.

"Tama na." Napatingala ako at tiningnan ang nagpigil. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ko naman sa iyo, kaya kong gawin ang lahat." Ani ni Andrew at ngumiti sa akin. "Dalhin sila sa van. Iwan niyo si Leicy at Jerod." Utos nito sa mga tauhan niya.

Kumilos ang mga body guards at dinala nila si Laarni at Courtney. Habang si Lexter naman ay tulala lang at sumama lang sa kanila. Tinalian naman ako ng guards sa kamay ko at sinama rin sa kanila.

Tiningnan ko sila isa-isa. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Mariin akong napapikit sa inis.

Patawad...

Lexter's POV

Pagtapos naming maglaro ng patintero. Nagpahinga muna kami sa bench.

"Ang saya talaga ng larong 'to!" Masayang sigaw ko. "Pinaspawisan ako" Natatawa kong sabi.

"Ngayon mo lang naranasan 'to no? Nong bata ako araw-araw kaya kaming naglalaro niyang sa kalye." Saad naman ni Leicy. Nagtawanan naman kaming anim.

"Oo ako rin." Dagdag naman ni Arni.

Nabigla naman kaming lahat ng tumayo si Abrylle at biglang hinatak si Laarni palayo. Nagtaka kami sa ikinilos niya.

"Hayaan na lang natin," Natatawa kong sabi.

Nang magdidilim na pumasok na kaming apat sa villa. Naghanda na rin kami ng dinner naming anim. Pero gabi na at madilim na sa labas pero hindi pa bumabalik sina Abrylle at Laarni.

"Ang tagal naman ng dalawang 'yon!" Maktol ko.

"Nasaan na ba sila?" Inis na ring sabi ni Courtney.

"Hindi ko alam." Sagot naman ni Leicy.

"Hanapin na kaya natin?" Suhestisyon naman ni Jerod.

Naghanda lang kami para hanapin sina Abrylle at Laarni nang may kumatok na sa pinto.

"Oh baka sila na 'yan" Ani ko. Tumayo naman si Jerod para buksan ang pinto. Pero nabigla kami ng biglang bumulusok si Jerod sa sahig. Napatayo kaming lahat at pinuntahan si Jerod at laking gulat ko nang makita ko si Dad.

"Dad?" Nabigla kong sabi. Masama ako nitong tiningnan.

"Jerod!" Sigaw naman ni Courtney at pinuntahan si Jerod pero pumasok ang Mama niya at sinabutan siya. Napasigaw si Courtney.

"Courtney! Are you insane? Nakikipagtanan ka?" Sigaw sa kanya ng Mama niya.

"Yes! I'm insane! At mas mababaliw ako kung gagawin niyo ang gusto niyo! Ang ipakasal ako sa taong di ko mahal!" Sagot niya sa Mama niya.

"Moron! This is for your own sake!" Sigaw ni Tita sa kanya.

"Our sake?" Nakangisi kong sabi't tiningnan sila isa-isa. "Para sa amin? Para sa amin na hindi kami maging masaya?" Mariin kong sabi sa kanila. Pinako ko ang tingin ko kay Dad. Seryosong tingin. Natahimik ang lahat.

"Where's Laarni and Abrylle?" Bigla namang tanong ni Tito Andrew.

"They're not here" Sagot ko.

"Lexter," Napatingin naman ako ng tawagin ako ni Dad. "Leicy." Tawag din niya kay Leicy. Napatingin ako kay Leicy at bakas ang takot sa kanyang mukha. "May kondisyon ako sa iyo, hija. Nagusap na kami ng Mama ni Courtney." Ani Dad at tiningnan si Leicy. "Your mother in prison will be free." Nabigla kami sa sinabi niya. "Iyan ay kung hahayaan mong hihiwalayan mo ang anak ko." Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya.

"NO DAD!" Sigaw ko. "No!"

"Son, hindi ako ang magdedesisyon." Nakangiting sabi ni Dad. Napatingin naman ako kay Leicy, tulala siya at lutang ang isipan.

"Leicy." Tawag ko sa kanya. "Hindi." Napatingin siya sa akin. Kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ay ang pag-iling niya. Pag-iling na nagpahina sa akin. "Leicy...hindi." Mahiang sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Patawad...Lexter..." Aniya habang umiiyak.

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now