Chapter 1. "New school, new life"

55.6K 872 35
                                    

Chapter 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 1. "New school, new life"

Laarni's POV

            Hindi pa man ako lumalabas sa sinapupunan ni Mama. Iniwan na kami ng Tatay ko. Pero hindi naging hadlang iyon para sa amin ni Mama na magpatuloy sa buhay. Bagama't naging motivation pa ito sa amin ni Mama. Na kahit iniwan kami ng kaisa-isang lalaki sa buhay namin. Matututo kaming mabuhay kahit na wala siya.

            Wala na kaming naging balita ni Mama sa lalaking iyon. Hindi ako galit sa kanya. Gusto ko nga siyang makita eh. Marami akong bagay na nais malaman sa kanya. Hindi ko na rin nakita ang mukha niya dahil kahit isang picture niya. Walang itinira si Mama. Marahil labis talaga siyang nasaktan sa ginawang pag-abanduna sa amin ng Tatay ko.

            Pero ayos lang. Hindi naman kami naghirap sa buhay ni Mama. Naging busy siya sa trabaho niya kaya naman naging maayos ang buhay namin. Habang ako naman, nag-aaral ng mabuti kaya ngayon. Nakakuha ako ng scholarship grant sa isang magandang school. Kaya naman lilipat na kami ng bahay para doon na ako mag-aral. Good thing is nalipat rin si Mama ng trabaho niya bilang manager sa isang hotel.

            "Okay na ba lahat ng gamit mo anak?"

            "Opo Ma, excited na nga po ako bukas eh." Masayang sabi ko dito habang inililigpit ang ilan sa mga gamit ko.

            "Masaya ako para sa atin anak. Oh, mag-aaral ng mabuti ah?" nangingiting tanong ni Mama.

            "Oo naman Ma 'no, ako pa?"

            "Asus, nagyabang na naman ang dalaga ko." Niyakap ako nito habang natatawa kami. "Osya matulog ka na, bukas didiretso ka na sa school niyo." Bumitaw ako sa pagkakayakap nito.

            "Ha? Paano ka bukas? Di ba tutulungan kitang mag-ayos ng bahay?" nagtataka kong tanong dito. Iniwas naman ni Mama ang tingin niya sa akin na tila may tinatago.

            "Hmmm, Ma? Sinong kasama mong mag-aayos ng bahay bukas?"

            "Ah, eh anak. Sabi kasi ni Fred tutulungan niya ako."

            "Ah, kaya naman pala eh. May ganun talaga Ma? Mag-aayos lang kayo ng bahay?" pag-uusisa ko.

            "Oo anak. Ano ka ba!" mahina akong pinalo ni Mama.

            "Asus, ngayon ka pa gumanyan. Osya sige na Ma, matulog ka na bukas para beautiful ka sa mata ni Tito Fred." Pang-aasar ko kay Mama. Natatawa naman itong lumabas ng kwarto ko.

            "Hay nako, ngayon pa kumirengkeng"

            "Matulog na" natatawa nitong sigaw mula sa labas ng kwarto.

            Ganito lamang kami ni Mama makitungo sa isat-isa. Bestfriend na parang mother na para ring teacher. Ganyan kami. Pero may limitasyon ako bilang anak niya. Si Tito Fred? Siya yung katrabaho ni Mama. Matagal na rin naming kilala si Tito Fred at ganoon na rin itong katagal na nanliligaw sa Mama ko. Pero hindi pa ako pumapayag. Hindi ko alam kung bakit. Marahil hindi pa ako handa na may lalaking dumating sa buhay namin ni Mama. Natatakot akong, baka iwanan niya lang din kami.

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now