Chapter 43.

9.6K 263 3
                                    

Chapter 43.

Courtney's POV

"Ang tagal naman ng lalaking 'yon? Nasaan na ba siya?" Patingin-tingin ako sa pinto ng bar habang hawak ang phone ko at tinatawagan si Jerod. Kanina pa ako nandito, almost half hour na pero wala pa siya, ang sabi niya kanina malapit na siya. Nasaan na ba siya? Don't tell iindianin niya ako? Umayos siyang secretary na siya dahil kakalbuhin ko siya.

Hindi na ako mapakali kakatawag sa kanya. Napalingon ako ng may narinig akong pumasok ulit sa bar, pagtingin ko nawala ang kaba sa dibdib ko ng makita ko siya. Lumapit siya agad sa akin, napangiti ako at nilapitan din siya.

"Why you took so long? Akala ko—"

"Courtney umuwi ka na." Hindi na ako natapos sa sasabihin ko ng masama niya akong tiningnan. "Hinahanap ka na—"

"Ano ba Jerod? Ayaw ko, gusto ko kasama ka." Niyakap ko siya ng mahigpit pero naramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang braso at marahan na inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.

Para akong binuhusan ng timbang puno ng tubig at yelo sa ginawa niya. Bakit niya nagagawa ang bagay na 'to sa akin? Ako na si Courtney Aickman? Alam niya bang swerte siya dahil niyakap ko siya? Tapos aalisin niya lang.

Tulala ako't tiningnan siya. "Jerod, itanan mo na ako." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"What? Are you out of your mind Courtney?" Inis niyang sabi,

"Oo Jerod! Nababaliw na ako, at tuluyan akong mababalik kapag hindi ko sinunod itong puso ko!" This time, nadala na ako ng emosyon ko. "Pwede bang magpakalalaki ka naman? Sabi mo mahal mo rin ako pero bakit ba pilit mong sinasaksak sa kokote mong mali ito!"

"Dahil nga ikakasal ka na!" Sigaw niya. "Hindi tayo bagay!"

Para kaming nasa teleserye at nag-e-eskandalo sa loob ng bar. Pero wala akong paki.

"No. Di ako papayag, hindi, sayo lang ako Jerod."

"Courtney please..."

Napayuko ako.

"Jerod, pwede bang sa isang gabi lang? Isang gabi lang, isusuko ko sa lalaking mahal ko ang gusto kong ibigay sa lalaking mahal ko?" Pagsusumamo ko sa kanya, tiningnan niya rin ako sa mata at marahang tumango.

Pumunta kami sa bahay niya. Pagpasok na pagpasok namin, agad niya akong niyakap at binugbog ng halik. Isang halik na ramdam ko ang init ng pagmamahal niya, halik na hindi ko alam kung mahahagkan ko pa pag tapos ng isang gabing hiniling kong ito.

Habang nagsasalo kami sa mainit na halikan at naglakad kami patungo sa kwarto niya. Pagpasok at binuhat niya ako mahiga sa kama niya at pumatong siya sa akin.

Kinakabahan ako, pero dala ng pagmamahal ko sa kanya handa akong isuko ito. Huminto siya sa paghalik sa akin at tiningnan ako.

"I'm sorry." Seryoso niyang sabi. "I'm sorry kung di kita maipaglaban." Umiling iling ako sa sinabi niya.

Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya papunta sa batok at hinila siya para halikan akong muli. Mula sa labi pababa sa aking leeg ramdam ko ang labi niyang nilalakbay ang buong pagkatao ko, ang malamig na paghinga niya at mainit niyang labi na sabay na nilalaro ang leeg ko.

Patuloy naming pinagsaluhan ang init ng pagmamahalan sa buong gabi. Isang gabi na sa buong buhay ko, ay hindi ko makakalimutan.

Kinaumagahan. Nagising ako na wala na sa tabi ko si Jerod. Pero umagaw sa attensyon ko ang papel na nasa side table niya. Kinuha ko agad ito. Pagbukas ko ng papel, may envelope na nasa loob at pagtingin ko ng envelope. Kusa na bumuhos ang mga luha ko sa nakita ko. Halos hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon