Chapter 32.

12.8K 303 15
                                    

Chapter 32.

Laarni's POV

"Ang taunang school fest ng West Bridge Academy ang isa sa mga prestihiyosong school festival sa buong Pilipinas, sometimes may TV Telecast pa ang event na 'to. Since ang WBA ay isang sikat na school." Paliwanag ni Leicy sa akin habang naglalakad kami papunta sa room.

"Eh ano bang pinagkaiba nito sa ibang school? Okay, given na mayayaman sila. Alam kong engrande ang magiging school fest."

"Bukod sa mga booths, sport fest at parties, alam ko. May bibisita na taga ibang schools."

"So?"

"Yun ay ang mga taga East Bridge Academy. Dati ring pagmamay-ari 'yon ng De Mesa pero binili na 'yon ng mga Natividad, kilala sila sa Telecom businesses."

"So?"

"Pinaka-aabangan na naman ang sport fest."

"Dahil?"

"Maglalaban na naman ang team WB at team EB." Excited na sabi nito. Para namang ewan siya at kikinang kinang ang mga mata.

"Okay?" nagtataka pa ring tanong ko sa kanya. Napatingin naman 'to sa akin.

"Arni, si Abrylle ang captain ng basketball team!" sigaw nito.

"Ano? Di nga? Talaga?" gulat kong tanong sa kanya. Tatango tango naman 'to sa harap ko.

"Oo! At paniguradong tayo na naman ang maguuwi ng championship."

Habang nagsasalita mag-isa si Leicy tungkol sa basketball na 'yan, napapaisip naman ako. So basketball pala ang sports ni Abrylle. Hindi halata. Hindi naman kasi siya ganun katangkad at wala sa hitsura niya ang sporty.

Inimagine kong naglalaro si Abrylle ng basketball. Tulad ng napapanuod ko sa TV. Tumatakbo siya sa court habang nagdi-dribol ng bola. Pawis na pawis na pero parang ang bango pa rin niya. Ang buhok niyang basa ng pawis, ang cool tignan tuwing hahanginin. Ang bawat galaw niya at ang seryoso nitong mukha habang nakikipaglaban sa depensa ng kalaban. At ang pag-shoot niya ng bola sa ring. He's the perfect guy living.

"Hoy! ARNI!" natigil naman ang paged-daydream ko ng sumigaw si Leicy sakto pa sa tainga ko. "Aba, nananaginip ka ng gising ah, hmmmm pinagnanasaan mo si Abrylle habang naglalaro ng baseketball 'no?" pang-aasar nito habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.

Paano naman niya nalaman? Aigoo~

"Hindi 'no, ano ka ba Leicy!" sita ko rito at nauna na sa kanya sa paglalakad. Humabol naman 'to sa akin.

"Pero alam mo Arni, bukod sa basketball at maraming hot guys sa school sa school fest, isa sa pinaka-inaabangan ko ay ang badminton tournament." Nakita ko namang kinikilig ang loka.

"Bakit naman?"

"Ano ka ba, si Lexter ang lalaban 'dun."

"Oh? Badminton player si Lexter?"

"Yep! At alam mo bang ang cool niya habang naglalaro." She now acting like she's in heaven.

"Hay nako, pareho nga kami nito."

Pagpasok sa room. Nakasalubong naman namin si Courtney na tumatakbo palabas ng room. Huminto 'to at tinignan kaming dalawa ni Leicy, pero mas tumagal ang tingin niya kay Leicy. At ang sama ng tingin nito na para bang kakain ng tao.

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now