Chapter 9. "When a Heart, Skip a Beat"

18.2K 518 14
                                    

Chapter 9

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 9. "When a Heart, Skip a Beat"

Laarni's POV

            "Tara, pasok ka. Pasensya ka na sa bahay namin. Medyo makalat pa. Kakalipat lang kasi namin dito. Kaya medyo, nag-aayos pa." sabi ko rito pagpasok niya sa bahay. Pinaupo ko muna siya sa sala. "Sandali lang ah, ilalagay ko lang sa kusina 'tong mga pinamili ko." Nakangiting sabi ko rito. "Achu!" napatingin ako rito. Nakita kong nagulat siya sa pagbahing ko. "Hehehe sorry."

            Pumunta na ako sa kusina para ilagay ang mga pinamili ko para sa dinner. Pagtapos 'non at pumunta ako sa kwarto at kumuha ng twalya sa cabinet ko. Bumaba ako ulit sa sala at binigyan siya ng towel. Basang basa kasi siya.

            "Magpunas ka muna." Sabi ko rito sabay abot ng towel. Kinuha naman niya ito at nagpunas ng buhok niya. Medyo mahaba rin ang buhok nito at hindi clean cut gaya ng kay Lexter. Tinitignan ko lang siyang magpunas. Nang mapatingin siya sa akin.

            "Ay sorry." Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Uhm, ayos ka lang ba? Baka kasi magkasakit ka niyan. Basang-basa ang damit mo. Hmmm, sandali lang." tumakbo ako paakyat sa taas pero hindi ako sa kwarto ko pumunta. Sa kwarto ni Mama.

            "Nasaan na ba 'yon?" naghahalungkat ako sa damitan ni Mama. Ang alam ko kasi, may damit na naiwan dito si Tito Fred, at alam kong iniingatan 'yon ni Mama. "Ah! Ito!" kinuha ko agad ang isang t-shirt at isang jersey shorts. Bumaba ako agad sa sala.

            "Ito oh, gamitin mo muna. Doon ka magpalit sa restroom." Tinuro ko sa kanya ang daan papunta. Tumayo naman ito at naglakad papunta roon.

            Pagpasok nito sa rest room. Hindi ko alam, pero bigla akong napangiti. Sumilip ako sa labas, at ang lakas pa rin ng buhos ng ulan. Napaupo ako sa sofa at nalungkot. Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Si Mama, tumatawag.

            "Ma! Nasaan ka na po? Malakas po ang ulan ah."

            "Anak, 'yon na nga eh. Malakas ang ulan at baha na rito. Stranded na ako anak. Wala na ring jeep na bumabyahe. Nasa bahay ka na ba?"

            "Opo Ma, kanina pa. Umuwi na po kayo agad."

            "Anak mukhang di makakauwi si Mama."

            "Ano po?"

            "Oo anak, papunta na kami sa bahay ng workmate ko. Mas malapit at lalakarin lang namin. Doon muna ako magpapalipas ng gabi anak. Wag kang mag-alala."

            "Ma! Baka naman nandiyan lang si—" di na ako pinatapos nito at binaba na ang tawag. Ano ba 'yan si Mama. Ngayon pang malakas ang ulan. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Mabuti at hindi pa naman. Mabuti at ulan lang.

            "Huh? Grabe, para-paraan talaga tong si Ma—" nagulat naman ako paglingon ko sa likod ko para pumunta sa kusina. Si Abrylle. Nakabihis na siya. "Ay ikaw pala. Mukhang sakto naman sayo yung damit." Sabi ko rito. Pero nakakabingi talaga ang pagiging tahimik niya.

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now