Chapter 37.

10.9K 313 6
                                    

Chapter 37.

Laarni's POV

Pagpasok ko, maraming students ulit ang nasa tapat ng bulletin board. Kaya naman pumunta rin ako 'don para tignan kung anong meron. Paglapit ko sa bulletin board, nakita ko si Leicy na titingkayad-tingkayad, marami kasing students ang nasa unahan kaya di namin makita kung anong nakalagay 'don.

"Leicy!" pagtawag ko kay Leicy habang papalapit sa kanya, nilingon naman ako nito.

"Uy Arni, naka-post na daw ang class ranking, kaso di ko pa makita dahil ang daming nakaharang." Sabi nito habang tinatanaw pa rin ang naka-post sa bulletin board.

"Oh? Talaga? Ano kayang rank ko."

"Hay nako, dapat mataas ang rank natin, lalo pa't scholar tayo, may chance na matanggal tayo sa scholarship pag mababa ang rank natin. Lalo na ako, kinakabahan ako." Ani Leicy, kitang kita ko naman ang pangamba at kaba sa mukha nito.

"Ano ka ba, kaya natin 'yan! tsaka nag-review naman tayo di ba? Pasado 'yan!" sabi ko sa kanya, nagtawanan naman kaming dalawa.

"My goodness! I can't believe this!" napatingin kami ni Leicy sa sumigaw. Pagtingin namin, nakita namin si Courtney at Tracy na tila binagsakan ng langit at lupa ang mga pagmumukha. "Ugh! Nakakainis na class ranking!" maktol pa ulit nito.

"Ano ka ba Courtney, you don't have to worried, di ka naman scholar so kahit mag-last ka sa class rank, ayos lang." sabi ni Tracy kay Courtney.

"What? Nasasabi mo pa 'yan eh pangalawa ka kaya sa akin sa pinakahuli!" sigaw nit okay Tracy. "Ugh! Tara na nga!"

Naglakad na sila papasok sa classroom. Nagkatinginan naman kami ni Leicy at hindi na sila pinagusapan pa. Tinignan na namin ang class ranking namin at sa awa ng Diyos, hindi kami bumagsak. Out of 100 students, pang-top 5 ako at si Leicy naman ay nasa top 12. Hinanap ko ang pangalan niya, nasa top 30 na ako pero wala pa rin. Bumaba pa ako ng tingin at ayun! Nakita ko na.

"Infairness, tumaas ang rank niya." Ani Leicy habang hinihipo hipo ang baba nito.

"Sabagay, hindi na masama para sa isang top 100 dati." Sabi ko rito't nagtawanan kami.

"Oh? Ang saya niyo ah!?" napalingon naman kami ni Leicy sa likod namin. Si Lexter.

"Ah, si Abrylle kasi, improving. Out of 100 nasa top 50 na siya." Sabi ko rito. Nagulat naman 'to sa sinabi ko.

"Oh? Really? Hahaha that'll be great!" sabi nito. "Eh ako kaya?"

Tinignan naman namin 'to ng masama. Paano niya pa nasasabi 'yan? Eh di pa ba siya nasanay sa rank niya.

"Wag ka nga, ikaw pa rin ang nasa top 1." Sabi rito ni Leicy.

"Hahaha, ang galing mo Lexter ah, wala sa mukha." Pang-aasar ko rito.

"Hahaha well, I don't really need to be more attractive, lalo na kung pang-top 100 ka lang and now top 50. Pfft."

"Ang sama mo naman Lexter! Pasalamat ka wala dito si—" di pa ako natapos sa sasabihin ko ng bigla dumating si Abrylle na ngayon ay nasa likod ni Lexter. Natulala na lang ako rito at nag-patay malisya. "—ah—eh nandito na pala siya." Pagtapos ko sa sasabihin ko.

"Ano?" naguguluhang tanong ni Lexter. Tinuro ko naman si Abrylle na nasa likod nito na ngayon ay ang sama ng tingin sa kanya habang naglilihab ang mga mata. Dahan-dahan niyang nilingon si Abrylle.

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now