Chapter 23.

14.1K 429 24
                                    

Chapter 23.

Laarni's POV

"Mukhang gusto na kita."

"Palipasin mo lang 'yang nararamdaman mo. Nadadala ka lang ng panahon."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad rito sa hallway papasok sa classroom ko. Medyo masakit din ang ulo dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Paano kasi, hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Nababaliw na ako. Paano ko kaya sila haharapin?

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa pinto. Huminto muna ako sa mismong pinto at sinilip kung naroon na si Abrylle o kaya si Lexter, pero wala si Lexter pati na rin si Abrylle.

"Anong ginagawa mo riyan?" napalingon ako agad sa likod ko ng may nagsalita. Pagtingin ko, si Abrylle.

"Ah—eh, wala wala. Hahaha." Dali-dali akong pumasok sa loob. Para akong tangang naninigas na naglalakad.

Pag-upo ko, hinanap ko si Leicy, pero wala pa rin siya. Usually kasi si Leicy ang nauuna sa akin pumasok. Pero ngayon, mukha nauna ako sa kanya. Baka hindi rin siya nakatulog ng maayos kagabi. Isa pa 'yon sa iniisip ko. Ano kaya ang naramdaman ni Leicy ng halikan ako ni Lexter, nagalit kaya siya? Alam ko naman na gusto niya si Lexter. Hay nako, kaya naiinis ako sa mokong na 'yon! Ang manhid niya pagdating sa pagytingin sa kanya ni Leicy! Nakakainis talaga siya.

Sa sobrang gigil ko. Pinagsusulatan ko ng kung ano-ano ang notebook ko. Sobrang diin din ng pagsulat ko kaya medyo napupunit na ang notebook ko.

Hay, nako. Mabuti pa, mag-relax muna ako. Huminga ako ng malalim nang mapatingin ako sa katabi ko. Nahuli ko namang nakatingin sa akin si Abrylle. Kaya naman agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya.

Buong morning class, ramdam kong nakatingin sa akin si Abrylle. Hindi naman sa nagpi-feeling, pero sense na sense kong titig na titig siya sa akin. Hindi pa rin dumarating yung dalawa. Ano kayang nangyari sa mga 'yon?

Lunch. Dahil nga sa wala 'yung dalawa. Mag-isa lang akong kakain ngayon. Hindi naman kasi ako close sa iba kong kaklase, lalo pa't mga alien silang kulay pink. At ang mga alien na kulay na 'yon ay mga babaeng patay na patay kay Abrylle. In short, galit sila sa akin. Hindi ko na lang pinapansin ang kabaliwan nila. Baka mahawa lang ako.

Sinuot ko sa tainga ko ang earphone. Para naman kahit papaano, hindi ako mukhang ewan na baliw dito habang mag-isa sa lamesa. Nilabas ko rin yung binili kong libro. Yung "The 100the Guy who passed by Her" sinisimulan ko pa lang siyang basahin since naging busy ako these past few days.

Habang nagbabasa ako, mayamaya naman ang kain ko. Basta, bahala na. Ayoko lang na may makausap ngayon. Naiinis pa rin ako. Nakatutok ako sa pagbabasa ng mapatingala ako. May umupo kasi sa upuan na nasa harap ko. Natatakpan siya ng libro binabasa ko. Hindi ko na lang pinansin baka naman wala na siyang maupuan.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa librong binabasa ko at kinuha ito. Pagtingin ko kung sino, si Abrylle. Siya pala ang umupo sa upuan sa harap. Nanglaki ang mata ko sa ginawa nito. Tinignan ko naman 'to. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin at hawak ang librong binabasa ko.

"Hindi ka ba tinuruan ng tamang pag-uugali?" pagtataray ko rito. "Bastos ang pagkuha sa librong binabasa ng isang tao." Dugtong ko pa.

"Hindi ka ba tinuruan na bawal magbasa habang kumakain? Kabastusan 'yan sa harap ng grasya." Kalmado nitong sabi.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Ano naman ang pakay nito? Trip niya bang guluhin ang buhay ko?

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now