Chapter 38.

11K 276 11
                                    

Chapter 38.

Abyrlle's POV

Nagbalik na pala siya. At muling nagbalik ang kadiliman sa buhay ko. Kakauwi ko lang galing school dahil sa training ng basketball. Nakahiga lang ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang picture ni Laarni sa cell phone ko. Ito 'yung kuha niya noong nasa sasakyan kami. Hindi ko alam pero napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang picture niya.

Bigla namang may kumatok sa pinto kaya natigil ako sa pagtawa ko.

"Sino 'yan?" tanong ko habang nahiga pa rin sa kama.

"Master, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo sa study niya." Narinig kong sagot ng kasambahay. Anong sabi niya? Daddy? Psh.

"What now?" I asked.

"Master, pumunta na lang po kayo." Marahang sagot nito.

"Okay, for a while."

Tumayo na ako sa kama ko at nagbihis ng damit. Naka-school uniform pa kasi ako. Pagkatapos kong magbihis, pumunta ako agad sa study niya. Pagpasok ko, agad kong nakita ito. Ngayon, hindi siya nakatutok sa loptop niya at nakatingin sa akin.

"Maupo ka." Aniya. Naupo naman ako sa upuan sa harap ng lamesa niya, nakayuko at hinihintay ang sasabihin niya. "Alam kong narinig mo na ang tungkol sa kasal."

"Ano bang meron? Bakit ako magpapakasal kay Courtney?" singhal ko rito.

"Para sa isang ampong katulad mo, kailangan mo siya."paliwanag nito, pero naguluhan lang ako sa sinabi niya. Napatayo ako sa upuan at hinarap siya.

"What? Bakit ba kasi ayaw mo pang ipaglandakan sa buong mundo na hindi mo ako anak, na isa akong ampon. Kaya nga di ka nagbigay ng ransom noong na-kidnapped ako di ba? And you just let Mommy died!" sigaw ko rito.

"Wag mo ng idamay si Celeste rito, alam naman nating, she died because she saved you."

"No! Kung nagbigay ka lang sana ng ransom hindi mamamatay si Mommy!"

"Huh! Bakit naman ako mag-aaksaya ng pera para sa isang ampon? At isa pa, kasalanan 'to lahat ni Celeste! Niloko niya ako! Niloko ka niya, niloko niya ang lahat!" kiwenelyuhan ko siya.

"No, don't even blame my Mom, dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to. Ikaw at ang kasakiman mo." Tinanggal nito ang pagkakakuwelyo ko sa kanya.

"Wala ka talagang galang! Wala kang utang na loob! Ang kasal na 'to ay para rin sayo!"

"Hindi, para lang sayo! Para lang sa kumpanya mo! 'Yon lang naman ang mahalaga sayo di ba? Di ba?"

Natahimik naman siya sa sinabi ko. At iniwas ang tingin sa akin.

"Bakit? Sino bang gusto mong pakasalan?" tanong nito. Hindi ako sumagot sa tanong niya at tinignan lang siya. Lumingon naman 'to sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "Si Laarni ba?" nabigla naman ako sa sinabi nito.

"Paano mo nalaman? Paano mo nakilala si Laarni?" naguguluhan kong tanong rito.

"Huh, magaling kang pumili ng babae Abrylle, kamukhang kamukha pa ni Celeste ang napili mo." Natatawa nitong sabi. Naguguluhan naman ako sa pinagsasabi nito at nakatingin lang sa kanya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit kamukha ni Celeste si Laarni? Hindi ka ba nagtatakang nag-transfer si Laarni sa West Bridge?"

"Ano bang ibig mong sabihin?!" sigaw ko rito. Sandali naman 'tong nanahimik.

"Anak namin ni Celeste si Laarni...siya ang tunay na anak namin." Nanglaki ang mga mata ko at nanginig ang buo kong katawan sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat sa nalaman ko.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon