Chapter 42.

10.9K 273 6
                                    

Chapter 42.

Laarni's POV

Last day na ng preparation namin para sa opening bukas ng school festival. Maging ang ibang year level at ibang sections at handa na rin para bukas. Tama nga si Leicy, talagang bongga ang school festival ng school na 'to. From stage to school festival themes pati na rin ang bawat booth at ang mga foods para bukas. Ang ganda, parang mag concert lang ang dating auditorium.

Ang mga kasali naman sa sport fest ay handa na rin. Isa na rin 'don si Abrylle at Lexter, ang balita ko. Ganado rin si Lexter na mag-training ng badminton nitong mga nakaraang araw. Si Leicy naman, mukhang mas maayos na kaysa noong isang araw.

Hinihintay na lang namin ang mga uniform namin para bukas sa café, kami kasi ang nasa pastries kaya naman naka-pasty chef attire kami dapat. Ang mga boys naman ang naka-waiter attire at sila ang magse-serve sa mga guest namin.

Ang ganda ng ayos ng buong room namin. Mukhang mamahaling café. May chandelier pa sa gitna. Hindi na ako magtataka kasi talaga namang mayayaman sila. Pati na rin ang tables and chairs, ang gaganda ng design, kimikinang sa ganda at kintab.

"Classmates, ito na yung mga uniform. Spornsored by Santiago International Wear." Pinakilala sa amin ng class president ang nag-sponsor ng uniform na gagamitin namin. "At syempre, an gating mga equipments and utensils sponsored by Monteverde Hotel." Nagpalakpakan ulit ang buong klase. Napatingin ako kay Lexter and now he's smiling. I guess okay na rin siya. Napatingin din ako kay Leicy, nakita kong nakangiti na rin siya. "And the ingredients for our cakes and pastries pati na rin ang coffee and tea. Sponsored by De Mesa Food Corp." muli kami nagpalakpakan. Katabi ko si Abrylle at wala lang siyang ginawa. Nakangiti naman ako rito. "So? Ito na ang uniforms, for girl receptionist, ito ang sa inyo. Para sa mga pastru chef, ito naman ang sa inyo. For our baristas, ito ang sa inyo. And for our waiters ito naman ang sa inyo. I think, we don't need flyers and more posters. Alam ko namang effective ang charm n gating mga waiters." Masiglang sabi ni president. Nagpalakpakan at nasitilian naman ang ilan sa mga kaklase kong babae. "So, this is for this day. See you tomorrow sa opening."

Nagsitayuan na kami at nagsilabasan na ang iba sa mga classmates namin. Inaayos ko naman ang uniform na binigay sa akin at nilalagay sa bag. Habang nag-aayos ako, bigla namang lumapit si Lexter sa akin. Napatingin ako rito, at nakita kong seryoso ang mukha niya.

"Oh? May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.

"Ah, Arni, pwede ka bang makausap?" seryosong paanyaya nito. Napaisip naman ako kung anong sasabihin ng isang 'to.

"Tungkol saan?" tanong ko ulit. Naipasok ko na ang uniform ko sa bag at naayos ko na. Sinara ko na ito at hinarap siya uli. "Lexter!" tawag ko rito nang makita kong nakatulala siya. "Okay ka lang ba?"

"Ah, Oo. Hahaha. Ano? Pwede ka ba?" para naman siyang hindi mapakali.

"Tungkol saan nga?" ulit ko rito.

"Basta, tara na." bigla naman akong hinila nito palabas ng classroom.

Dinala niya ako sa butterfly garden. Walang katao tao rito. Puro butterfly lang na makikita mong payapang lumilipad-lipad. Sa kakatingin ko sa mga paro-paro, muntik ko ng makalimutan si Lexter.

"Oh? Ano bang—"

"Arni, anong pangalan ng Papa mo?" nabigla ako sa tinanong nito. Seryoso ang mukha niya at para bang interesado sa tinanong niya. Nagtaka naman ako sa tinanong niya.

"Bakit mo naitanong?"

"Sagutin mo na lang ako. Please?" para siyang nagmamakaawa.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon