Chapter 15. "Sweet Messages"

17.5K 453 17
                                    

Chapter 15

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 15. "Sweet Messages"

Laarni's POV

            Hinatid niya ako sa bahay. Buong byahe. Pigil ang ngiti ko, baka kasi mapansin niya at biglag magtanong. Pagalis ng kotse niya. I wave my hands and say goodbye to him. Nang makalayo na ang kotse niya. Dahan kong ibinaba ang kamay ko habang nakangiti. Hindi ko alam, pero ang saya ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. I feel so safe with his companion. Para bang, kahit na tahimik siya. Basta nasa tabi ko lang siya. Everything will be alright.

            Pinagmasdan ko ang kamay kong hinawakan niya kanina. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ito. Ramdam ko pa rin ang palad niyang nakahawak sa kamay ko. Ang init at ang lambot nito.

            "Abrylle De Mesa..." nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay. "Nandito na ako Ma." Pagpasok ko nilibot ko ng tingin ang buong paligid ng bahay. Pero parang walang tao.

            "Nasaan naman kaya si Mama? Dapat nandito na 'yun ah?" kinuha ko naman ang cell phone ko para tawagan si Mama nang mapansin kong may message. "Text? Sino naman 'to?" binuksan ko muna ang message. Pagbukas ko. Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa nabasa ko.

From: Abrylle

            Bye, thank you for your time. Practice tayo bukas, in my place.

            Yes. May smiling face sa dulo ng text niya. Naupo naman ako sa sofa at nag-reply sa text niya.

To: Abrylle

            Nakauwi ka na ba? Ingat ah.

            I type in my phone and press the key send. Mayamaya pa, tumunog agad ang phone ko. Agad ko namang tinignan ang text. Galing uli sa kanya. Binuksan ko ito at binasa.

From: Abrylle

            Oo, Salamat.

            Nag-reply ulit ako.

To: Abrylle

            Ah, mabuti naman.

            Naghintay ako sa text niya. Pero lumipas ang ilang minuto. Wala pa ring text na dumadating. Mayamaya naman ang tingin ko sa phone ko habang nakahiga na rito sa sofa. Minabuti ko na muna na magbihis ng damit.

            Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis. Nagmamadali pa ako dahil naiwan ko ang phone ko sa sala. Dali dali akong bumaba sa sala. At nakita kong umiilaw ang phone ko kaya naman agad ko itong kinuha. Naupo ako sa sofa. May text na, baka si Abrylle 'to. Binuksan ko ang text message, pero hindi si Abrylle ang nag-text.

From: Poging Lexter

            Arni, nandito ako sa labas ng bahay niyo. >^<

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now