Chapter 41.

11K 271 7
                                    

Chapter 41.

Leicy's POV

Wednesday. Hindi pa rin kami nag-uusap. Para bang hindi kami magkakilala. Oo, aaminin kong kasalanan ko, pero paano ko ipaglalaban pa ito, kung sa umpisa pa lang, alam kong talo na ako. Siguro nga, mas mabuti na ganito na lang kami. Hindi nag-uusap at parang di magkakilala. Pipilitin ko na lang na kalimutan siya.

Makakaya ko ba?

Mula nung tumawag siya nung gabing 'yon. Hindi na rin siya nag-text. Ang tawag na 'yon ang naging huli naming paguusap. Huling paguusap na nauwi lang sa ganito. Mahirap pero, kailangan kong maging malakas.

Makakaya ko nga ba?

Naglalaro sa isipan ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko mawari kung ano ba ang nararapat, ang sinisigaw ng puso ko o ang dinidikta ng isip ko. Magulo, naguguluhan na ako.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ba ang masuwerteng babaeng papakasalan niya. Naisaayos ko na ang ibang kailangan sa kasal nila. And two weeks from now. Ikakasal na siya, at two weeks from now na rin ang nalalabi kong oras sa lugar na 'to.

"Leicy, I really appreciate your work. At napakasipag mo ring bata." Ani Master Lourd. Pinatawag niya ako sa office niya kahapon.

"Maraming salamat Sir, 3 days before the wedding I wil follow up all the needs lalo na 'yung receptions and everything."

"Hahaha. Thank you Leicy. And because of your hardwork, I just want to gave this opportunity to you."

May nilapag siya sa harap ko. Isang folder. Tinignan ko ito na puno ng pagtataka. Muli kong binalik ang tingin kay Master Lourd.

"Ano po ito Sir?" tanong ko.

"Open it." He said. Ginawa ko naman ang sinabi niya at binuksan ko ang folder na nasa harap ko. Nanglaki ang mata ko sa nakita ko sa folder at napatingin ulit sa kanya. "I know that you deserve it Leicy, matalino kang bata at masipag."

"This is too much Sir."

"No, I insist. Leicy, this is a big opportunity for you! And for your family. Full scholarship 'yan." Nakatingin lang ako sa kanya at napapaisip. Anong ibig sabihin nito?

"But it's in Italy." Nauutal kong sagot sa kanya.

"Exactly!" tumayo ito at tumalikod sa akin, nakamasid 'to sa bintana. "That'll be a great a oppurnity Leicy, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganyan," nilingon ako nito. "Will you take it? Or leave it. Wag kang mag-alala sa graduation mo sa West Bridge, ako na ang bahala kay Andrew, Hahaha. Basta, right after the wedding. Makaka-alis ka na."

Hindi ko na nakuhang magsalita dahil sa gulat at takot. Ilang sandali na lang din at bubuhos na ang luha ko.

"I'll take it." Nanginginig kong sagot dito.

"Hahaha, great decision Leicy, great."

"Uy Leicy! Okay ka lang?" natigil ako sa pag-iisip ko ng bigla akong kalabitin ni Arni. Nag-aayos kami ng ngayon ng mga tea set para sa Friday.

"Hahaha, oo naman. May iniisip lang." sagot ko rito at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ko naman namalayan na nasa dulo ng mesa ang mga tasa kaya naman nasagi ko 'to at nahulog sa sahig lahat. Nabasag ang ilan sa mga 'to na siyang dahilan para mapatingin ang lahat sa akin. "Sorry, pasensya na. Babayaran ko na lang."Agad kong pinulot ang mga nabasag na tasa, pero bigla akong nasugatan.

"Ano ba 'yan Leicy! Limang tasa ang nabasag mo, saan natin 'yan kukunin? Ang mahal niyang mga tasa na 'yan. Look? You're bleeding. My goodness." Singhal sa akin ng president namin.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon