Epilogue

28.1K 532 134
                                    

Epilogue

Laarni's POV

Lahat ng babae pangarap ang ikasal. At ito na ang araw na iyon para sa akin. Nakasuot ako ng magarbong wedding gown. May hawak akong boquet ng magandang bulaklak. May kumakanta ng isang nakakaantig na kanta. Mayroong brides maid, best man, ring bearer at flower girl. Kumpleto ang iyong pamilya at mga kaibigan. At syempre, ang groom mong naghihintay sa'yo sa tapat ng altar. Naroon siya, nakatayo sa tapat ng altar, naroon ang lalaking mahal ko. Pero bakit, hindi ako ang papakasalan niya?

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko kasabay ng pagyuko ko. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Bakit humantong ang lahat sa ganito? Napalingon ako sa kaliwa ko ng makarinig ako ng paghikbi, si Courtney. Mula sa sasakyan hanggang pagdating namin dito sa simbahan walang tigil pa rin siya sa pagiyak. Hindi na siya iyong Courtney na nakilala ko. 'Yong Courtney na matapang, makapangyarihan at maayos ang hitsura. Narito siya sa tabi ko. Balisa, tulala at puno ng kalungkutan ang mukha. Nakasuot man siya ng magarbong gown at maaliwalas na make-up, hindi nito matatakpan ang sakit na pinagdadaanan niya, naming lahat.

Iniwas ko ang tingin kay Courtney. Muli ay huminga ako ng malalim.

"Arni" Napatingala ako't napatingin sa tumawag sa akin. Pagtingin ko, si Leicy. Bagsak ang mukhang nakatingin sa akin habang nakasuot ng puting dress bilang maiden of honor ko. "Patawad..." Saad niya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Wala kang kasalanan, wala tayong kasalanan. Lahat tayo biktima lang ng pagkakataon, Leicy." Saad ko sa kanya habang patuloy siyang humihikbi sa harap ko. Niyakap ko siya.

"Alagaan mo si Lexter para sa akin ah." Aniya. Napangiti ako, isang ngiting sana'y makapagpagaan ng loob niya.

"Oo, gagawin ko."

Bumitaw na siya sa akin at pumiwesto sa pila dahil ilang sandali na lang ay mag-uumpisa na ang kasal. Bumalik ako sa puwesto ko. Mula sa dulo ng simbahan, tinanaw ko si Abrylle sa altar. Wala pa siya roon. Hinanap ko naman si Lexter at nakita ko siya, tulad ng lahat bakas sa mukha niya ang lungkot. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at tumalikod nang mapahinto ako sa nakita ko.

"Let me have your arms?" Tanong niya sa akin. Nagdalawang isip akong ibigay sa kanya ang braso ko. Siya ba talaga ang tatay ko? "Arni, the wedding will start." Saad niya. Nagising ako sa pagdadalawang isip ko at labag sa loob kong inakbay ang braso ko sa braso niya. "Very good." Galak niyang sabi. Habang ako naman ay napapikit na lang sa pagpigil ng luha ko.

"Let's start!" Rinig kong sigaw ng wedding coordinator.

Tumayo ang lahat ng tao sa loob ng simbahan. Nagumpisa nang tumugtog ang kantang napili nila para sa kasal. Nang magumpisa kanta ay nagsimula nang maglakad ang mga nasa unahan ng pila habang kami ni Courtney naman ay magkatabi. Muli ko siyang tiningnan. Tumigil na siya sa pagiyak pero tulala lang siya.

Bawat sandali ng aking buhay pagmamahal mo  ang aking taglay.

Saan man mapadpad ng hanging hindi  magbabago aking pagtingin.

Pangako natin sa maykapal na tayo lamang sa habang buhay maghintay...

Kasabay ng tugtog ay ang paggunita ko sa nakaraan. Simula noong nagtransfer ako sa school. Noong nakilala ko si Lexter sa elevator, noong hinalikan niya ako. Noong nakita ko si Abrylle sa tulay. Nong niligtas ko siya, ang maamo at seryoso niyang mukha. Ang pagsusungit ni Courtney sa akin. Ang pamumula ng pisngi ni Leicy dahil kay Lexter. Ang paglalaro namin ng patintero, ang pagkuha namin ng manga. Lahat, lahat ng magagandang alaala ko kasama sila. Pero bakit hahantong ang lahat ng ito sa ganito?

The Coldest HeartWhere stories live. Discover now