Kabanata 10

68 2 0
                                    

Kabanata 10

Tulad nga ng gustong mangyari ni Travis after kung kumain inaya niya akong magpunta sa may garden. Ayaw ko sana sumama at nagtangka pa ako gumawa ng way tulad ng sabi ko,

"Masakit yong paa ko, dito nalang ako magppaaiwan... ikaw nalang magpunta sa may garden." Tinaasan lang niya ako ng kilay at obvious na hindi naniniwala sa sinabi ko. Sandali siyang nag-iwas ng tingin sakin kasi tumingin siya sa relo niya. Napapout naman ako ng lips at saka nag-isip pa ng isang palusot.

"Hindi ka ba nagugutom? Kain ka kaya muna?" Kainis naman kasi sila mom at dad bigla nalang umalis sa table namin. Naintindihan ko naman na kailangan nilang ientertain yong mga guest naming pero bakit sadami ng oras na pwede nilang gawin ngayon pa talaga?!

Sinubukan ko naman silang pigilan, nag-offer din ako na sama nalang ako sa kanila pero si mom tinaasan ako ng isang kilay, habang si dad naman sinabing,

"Nakakahiya naman kung iiwan mo ang isa sa mga bisita mo dito, Kourt." At saka siya tumingin kay Travis. Eh, hindi ko nga alam na kasama pala sa guest ko si Travis in the first place.

"Let's go." Seryosong sabi ni Travis sakin at saka siya tumayo sa kinauupuan niya.

"Pwede bang mamaya nalang?" Sagot ko naman sa kanya habang nakatingala sa kanya pero nang magtama yong mga mata namin, agad akong napaiwas ng tingin. May kakaiba kasi akong nafe-feel sa tuwing nagkakasalubong yong mga mata namin ni Travis!

"Kourtney." At saka ako muling napatingala sa kanya.

"Pano naman kung hanapin ako ng mga friends ko?" Last na try na 'to.

"You can meet them later before the party ends." At saka siya muling tmuingin sa relo niya. Ano bang meron sa oras?

"Nagmamadali ka ba? May iba ka pang pupuntahan after nito?" Magkakasunod kung tanong sa kanya. Eto na naman yong pagiging Marites ko hindi ko na naman mapigilan.

Napasimangot naman siya at mukhang walang balak na sagutin yong mga tanong ko, nairita naman tuloy ako agad kaya nahawa ako sa pagsimangot niya.

"Nandito naman sila Noah at Rush kung may lakad ka pwede namang isa sa kanila nalang yong maging escort ko." Kasabay nang pagsabi ko niya, agad akong nakaramdam ng bitterness sa dibdib ko.

Muli na namang tumaas yong isa sa mga kilay niya at sa pagkakataong 'to kahit na kinakabahan ako hindi ko magawang mag-iwas ng tingin. Gusto kung mapanuod yong pagbabago bago nang reaction ng mukha niya kasi minsan lang naman yan mangyari, madalas naka-poker facel ang siya at saka minsan ko lang din kasi siyang makita.

Tumaas na naman yong isa sa mga kilay niya.

"Would you rather have Rush or Noah as your escort than me?" Mahina lang yong boses na gamit niya nang itanong niya sakin yon. Bigla naman akong naguluhan sa tnaong niya. Ang balak ko lang naman kumuha ng information about sa kanila ni Kim pero bakit naiinis na ako ngayon sa kanya kasi pianghintay niya ako sa dance floor pero bakit ako na yong naiinis ngayon?

Umirap naman ako.

"Eh, kanina ka pa kasi tingin ng tingin dyan sa relo mo! Ang gumagawa lang naman nyan ay yong may iba pang lakad at may ibang kikitain." At saka ko pinagcross yong mga kamay ko sa may dibdib ko.

"Dapat ay hindi ka na nagpunta dito o kaya pumayag na maging escort ko kung may iba ka pa palang lakad sa araw din ng birthday ko." At saka ako napabuntong hininga para pigilan yong pamamasa ng gilid ng mga mata ko pero grabe gusto kung yakapin ng mahigpit yong sarili ko ngayon kasi nakakausap ko si Travis habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya.

At habang may lakas pa ako ng loob itatanong ko na din sa kanya,

"Totoo ba yong sabi nilang pinangako ka na daw kay Kim?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Agad kung napanuod kung pano naging isang manipis na linya yong lips niya dahil sa tanong ko at doon palang sa reaction niyang yon, nakakuha na ako agad ng sagot.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now