Kabanata 13

53 1 0
                                    

Kabanata 13

"Are you sure, you're okay? I can call our family doctor to check on you, hon." Mom told me. She came home in no time, sa tingin ko tinawagan siya ng isa sa mga helpers namin sa biglaan kung pag-uwi.

Pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng car namin, na sumundo sakin sa mall naiyak na ako agad. Inask pa nnga ako ng family driver namin kung ano daw problem ko? Nag offer pa nga siyang dadalhin daw niya ako sa hospital kung sobrang sama daw ng nararamdaman ko.

Pero tumangi ako, hindi naman kasi ako matutulungan ng doctor sa heartache na nafe-feel ko ngayon. Sianbi ko na kaya ko pa naman yong sama ng pakiramdam ko at mas gusto ko nalang magpahinga sa bahay, mabuti nalang at naniwala naman yon family dirver namin.

"I'm okay mom." Walang ganang sabi ko at saka ko siya tinalikuran.

"Gusto ko nalang magpahinga muna mom." Narinig ko naman yong pagbuntong hininga ni mom.

"Alright hon, babalikan nalang kita mamaya for your dinner. Ihahatid ko nalang dito." Hindi naman na ako sumagot at pumikit nalang kasi naiiyak na naman ako. Mabuti nalang at sumuko din agad sa pagcheck sakin si mom, at iniwan na niya ako mag-isa sa room ko.

Kahit na gustong umuwi ni dad para daw icheck din ako kahit sandali lang hindi kaya ng oras since meron daw board meeting sa FRGR. Mas okay nga yon eh, kasi kung si dad ang nandito for sure hindi ako nun titigalan hanggat hindi nakakakuha ng matinong sagot sakin.

Masakit palang marinig mismo sa bibig ni Kim na pinangako na sila ni Travis para sa isa't isa ano.

Since nine years old gusto ko na si Travis at ngayong eighteen na ako ibang iba talaga pala yong effect. Kaya nga kanina after sabihin ni Kim yon nawala na agad ako sa mood at wala na akong ibang maisip kung hindi umuwi na at magkulong nalang sa room ko.

Since nagkaron na din ako ng runny nose dahil sa pag-iyak, muli na naman akong naupo mula sa pagkakahiga at saka ko pinakatitigan yong bangle na bigay ni Travis na sobrang trina-teasure ko talaga, na halos ayaw ko ngang hubarin, eh.

Sunod sunod na naman tuloy akong napaluha sa sama ng loob. Akala ko all this time special ako pero mukhang ang tamang term pala is all this time masyado lang akong nag assume.

Billionaire nga pala si Travis Forger, paano ko nga ba yon nakalimutan? For sure yong perang pinangbili niya sa bangle na 'to barya lang sa kanya! For sure nagpunta lang siya sa cartier store at nag ask sa isa sa mga clerk kung ano bang maganda gift sa isang babae.

Mukhang hindi nasabi ni Travis nung araw na binili niya 'tong bracelet na isang thirteen years old lang yong pagbibigyan niya ng regalo. For sure nakinig lang siya sa suggestion ng sales clerk at nag abot ng black card para bayaran 'tong bangle!

Or worst baka yong personal shopper ng family ang pumili nitong gift! Agad naman akong lumapit sa isa sa mga drawers ko, para maghanap ng susi sa lock ng cartier na 'to! Ayaw ko na palang isuot 'to since hindi naman totoo na nag effort si Travis sa paghahanap ng bangle na 'to!

Yong original na susi ng cartier na 'to is na kay Travis at to be honest hanggang ngayon hindi ko din maintindihan kung bakit nasakanya all this years, eh binigay na niya sakin 'tong bangle. Alam naman niyang kailangan ko din yong susi in case of emergency like right now!

Ano bang gusto niyang mangyari? Forever na 'tong bangle na 'to sa kamay ko? Hindi ko na aalisin?! Pero di bale meron naman akong iba pang mga susi ng cartier dito, itatry ko nalang lahat at kung kailangang itry ko din yong susi ng mga cartier ni mom, okay fine! Madami naman akongo ras basta maalis ko lang 'to sa kamay ko! Ayaw ko na sa cartier na 'to! Plastic kasi yong nag bigay!

The Substitute BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя